Part 25

2K 43 0
                                        

Riri's POV

From: Mark Espejo

Kung gusto mong makitang buhay ang girlfriend mo, at mga kaibigan mo, pumunta ka dito sa hide out namin...

Napakuyom ako ng kamao ko ng mabasa ko ang text galing kay Mark, sya ang leader ng Black Fraternity..

Walang hiya ka! wag na wag mong sasaktan ang girlfriend ko, pati ang mga kaibigan ko...

Dali dali akong nag drive papunta sa hide out namin.

Alam ko yung lugar na yon dahil dati akong myembro doon.. Balak ko sanang puntahan si Dean sa bahay nila kaso baka ipagtabuyan nya lang ako..

Oo, kapatid ko si Dean, siya yung anak ng dad ko sa ibang babae, sya din yung gustong gusto kong makita dati pa, dahil gustong gusto ko talaga ng kapatid na lalaki.. kaya nung time na nakilala ko sya, sobrang saya ko, palagi ko din syang pinapabantayan sa mga guard namin.

Noong nakakuha ako ng pagkakataon na maging ka close sya, kinuha ko na yung pagkakataon na yon, para atleast pag nalaman nya na kapatid nya ako, close na kami..

Naalala ko nung araw na akala ko mahuhuli na nya ako na ako yung madalas na nakamasid sa kanya lagi..

Flashback...

Nakamasid ako ngayon sa kapatid ko.. alam kong ramdam nya na may nakatingin sa kanya..

Hahaha, maganda yan.. malakas pakiramdam mo, makakatulong sayo yan..

Nagulat ako ng tumingin sya kung saan banda ako nakatayo..

Nag tago ako, pero pag tingin ko uli sa kanya wala na sya... kaya inilibot ko yung paningin ko...

Nagulat ako ng may biglang humawak sa likod ko...

Kinabahan ako, kasi baka pag lingon ko baka si Dean ito...

Dahan dahan akong humarap sa taong humawak sa likod ko...

Nang makita ko sya, napahawak ako sa dibdib ko at napapikit...

"Kuya? what are you doing here? bakit ka nag tatago?" tanong ng kapatid ko

"Niana, ako dapat ang mag tanong sayo nyan.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya..

Si Niana, our baby girl..

"wala, pumunta lang ako sa tambayan ko kuya.. osgi.. tago ka lang dyan.. see you later..." paalam nya..

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag lalakad palayo.. naiiling na din ako..

Kinabahan ako doon ha..

Tumingin uli ako, kung saan ko nakita si Dean, at nakita kong kausap nya si Gel.. napangiti naman ako..

Maya maya umalis na ako..

Beep!

Tunog ng cellphone ko, nag text si Gel

From: Gel

I saved you bro.... wala bang thank you dyan??

Natawa ako ng mabasa ko yun..

Nireplyan ko lang sya ng thank you...

End of Flashback

Si Gel, bestfriend ko sya, parehas kaming kasali sa frat nila Mark dati..

Kilala ko na si Gel simula 1st year high school, actually parang kapatid na din ang turing ko sa kanya, naging tauhan din namin si Gel bilang isang body guard.. actually body guard ko sya.. kapalit non ay yung pagiging scholar nya.

Starting over AgainWhere stories live. Discover now