Part 11

2.3K 55 1
                                        

Dean's POV

Uwian na namin, gusto ko sanang hintayin si Jema kaso kailangan kong umuwi, nalaman ko kasi na may lagnat ang lola..

"Dean, hahatid kita.." habol sakin ni Brie, pilit naman akong ngumiti at tumango

"Dean!" napalingon ako sa tumawag sakin, nagulat ako ng bigla akong makatanggap ng malakas na suntok at natumba ako sa lupa

"Dean!.." agad naman akong inalalayan ni Brie patayo, galit naman syang tumingin kay Ethan..

yes... si Ethan ang nanuntok sakin..

"Gago ka ha!!" galit na sabi ni Brie kay Ethan

Pinahid ko naman yung dugo sa labi ko, ngumisi naman si Ethan..

"Ano Dean?? masaya ka?? kasi ikaw yung pinili?? hahahhahaa walang magandang kinabukasan sayo si Jema!" sigaw nya, pinag titinginan na kami ng mga taong dumadaan..

"Ethan, please wag ngayon..." pakiusap ko.. nag aalala kasi talaga ako sa Lola ko.

Ngumisi naman sya sakin at sinuntok nanaman ako dahilan para matumba uli ako.. napakuyom naman ako... uminit bigla yung ulo ko..

Tangina...! sabing wag ngayon eh... ayaw ko sana ng away at ayaw na ayaw ng lola ko na nakikipag away ako pero pinipilit ako nito....!

Tumayo ako at sinuntok ko din siya.. bumagsak din sya sa lupa..

"Dean...!" sigaw ni Brie, hinawakan na nya ako sa braso

"Gago ka.. diba nakikiusap ako syo?? wag ngayon??!" galit na sabi ko..

Tinanggal ko naman yung pagkakahawak ni Brie sa kamay ko at sinugod si Ethan at sinuntok uli sya..  gumanti naman sya at sinipa nya ako..

Hinawakan nya ang kwelyo ko at aakmang susuntukin ako pero nahawakan ni Brie yung kamay nya..

"Ethan! Dean! tama na...!" awat nya samin..

"Dean!!" sigaw ng pamilyar na boses..

Pagkarinig ko ng boses na yon medyo natauhan ako.. 

Lumapit sya sakin at niyakap ako..

"Tama na..." bulong ni Jema, nagkatinginan kami ni Jema.

Pumalakpak naman si Ethan...

Clap clap clap...!

"Wow.. parang movie... wooohhh!!" inis na sigaw nya

"Hoy Ethan... umalis ka na dito.. ikaw ang nauna... nag mamadali kami ni Dean umuwi kasi yung Lola nya may sakit....!" inis na sigaw ni Brie

"Wala akong pakeeee!!!" galit na sigaw ni Ethan

Hinawakan naman ako ni Jema sa kamay at hinila papunta sa sasakyan nya.. nakatulala lang ako..

Hindi ko kasi matanggap na nakipag suntukan ako... ito yung una..

"Pasok!" inis na sabi nya, nakatulala parin ako..

"sabi ko pasok!!" sigaw nya, natauhan naman ako at dali daling sumakay..

Maya maya nakasakay na din sya at nag drive paalis ng sasakyan..

"J-Jema..---" tawag ko sa kanya

"Bakit ka pumatol kay Ethan??!" inis na tanong nya, napahilamos naman ako

"H-Hindi ko napigilan yung sarili ko...s-si Lola lang kasi nasa isip ko kanina.. a-ayaw nya kong tigilan.." sagot ko

"Tingnan mo yang mukha mo!" inis na turo nya sa mukha ko, napayuko lang ako.. Tinuloy nya na lang yung pag dadrive hanggang sa makarating kami sa bahay..

Starting over AgainWhere stories live. Discover now