Dean's POV
Nandito ako ngayon sa room, nagbabasa ng topic namin ngayon.
Dumating na din sila Brie, umuwi kasi sila kanina para magpalit ng damit, mamaya doon daw uli sila matutulog kaya mag dadala na sila ng damit
Natuwa naman ako dahil hindi nila ako iniiwan.
Hindi na ako sumasabay sa pag lunch sa kanila kaya nagi guilty na ako kaya napagpasyahan kong sumabay mamaya sa kanila.
Nag start na yung class namin hanggang sa matapos yung morning class namin.
"Deans, kakaen ka?" tanong ni Brie, tumango naman ako, napangiti naman si Brie
"yun..!" sabi nya, "tara na.." dagdag nya pa, inayos ko naman yung nga gamit ko at tumayo na.
Habang nag lalakad kami, nag iingay nanaman si Tots
"Grabe.. ang hirap quiz ngayon.. nahirapan ako don.." sabi nya
"hindi ka kasi nag aral.." sabi ni Pangs
"hala.. ikaw nag aral ka ba?" tanong ni Tots,
"Oo, anong akala mo sakin? hindi nag aaral?" tanong ni Pangs
Nag asaran lang sila habang papunta kami sa canteen..
Pag pasok namin don, nakita namin sila Jema, kasama si Ethan.
kumirot naman yung puso ko.
Hindi ko parin pala kaya na makita silang magkasama...
Nagkatinginan naman kami ni Jema.
Noong libing ni lola, nandon si Jema, na appreciate ko naman yon.
"Deans!" tawag nila Jho..
"Deans, buti naman nakita kana uli namin.. kamusta?" tanong ni ced
"O-ok lang.." tipid na sabi ko
"ahh guys, dun muna kami sa kabilang lamesa ha?" sabi ni Brie, nandon kasi si Ethan at si Jema.
Tumango naman yung mga babae.
Dumeretso ako sa counter..
Kung dati palagi akong may baon, ngayon wala na..
Namiss ko nanaman si Lola.
Nang matapos akong mag order, bumalik na ako sa inuupuan ko
Pagkaupo ko, nakatingin lang sakin sila Brie
"Ano yung binili mo Deans?" tanong ni Tots..
"Hoy Tots.. wag mong sabihing hihingian mo si Dean sa ulam??" asar ni Pangs.. napanguso naman si Tots
Binuksan ko yung styro lunch, naka styro kasi yung food, kakaen na sana ako, kaso may pamilyar na boses ang tumawag sakin.
"Kuya Dean..!" tawag ng babae.. napapikit naman ako sabay hawak sa noo.
Shit.. oo nga pala.. may usapan pala kami..
Napatingin sakin sila Brie, nagtataka yung tingin nila sakin.
Nang makalapit sakin si Niana, nakita kong kasama nya si Carly
"Akala ko sabay sabay tayong tatlo mag lunch?" nakangusong sabi ni Niana
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko..
Nakita kong umiiling iling si Tots
"grabe Deans.. di ko alam pumapatol kana pala sa bata ngayon?" asar ni Tots.
Nakita kong napakunot yung noo ni Niana.. natawa naman si Brie.
Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin dito samin sila Jho.

BINABASA MO ANG
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?