Dean's POV
Maaga akong nagising para pumasok sa school, tinatamad ako pero kailangan kong pumasok.. baka mawalan ako ng scholarship..
Bago ako umalis, kinuha ko muna yung baon ko na hinanda ni Lola at nag paalam ako sa kanya..
Nang malapit na ako sa school, traffic nanaman kaya bumaba nalang ako para mag lakad..
Habang nag lalakad ako naiisip ko si Jema kaya napatigil ako sa pag lalakad..
"Sabi ko na nga ba eh.. ikaw yan..." nagulat ako ng may lumapit sakin.. nakilala ko naman agad sya.. ito yung lalaki na tinulungan ko nung nakaraan..
"S-Sir.. good morning po..." pilit na yung ngiti ko sa kanya.. nakangiti din sya.. tiningnan nya naman yung mata ko... medyo nailang naman ako
"Is there bothering you?" tanong nya, napayuko naman ako..
"U-uhmm----" mag sasalita na sana ako kaso nag salita uli sya..
"Alam kong may problema ka... pwede ba kitang ma invite? coffee?" tanong nya..
"uhmm t-thank you for inviting me sir.. but i have to go to school.." sagot ko sa kanya.. napangiti naman sya
"So nag aaral ka pa pala.. hmm hindi mo ba talaga ako mapag bibigyan? kahit half day lang? I know you're smart kaya alam kong mahahabol mo yung lesson nyo ngayon.." nakangiting sabi nya... "saka ikaw din, hindi ka makakapag focus kung may iniisip ka.. pwede kitang mabigyan ng advice" sabi nya..
Napaisip naman ako...
Oo nga.. sige na nga..
Dahan dahan naman akong tumango...
"O-ok sir.." sabi ko, napangiti naman sya at inakbayan ako, inaya nya ako papunta sa sasakyan nya..
Pag pasok namin sa sasakyan nya,nag drive na sya papunta sa Starbucks..
Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa Starbucks..
Nang makapasok kami, naupo ako sa isang bakanteng upuan.. sya naman nag order ng coffee...
Maya maya umupo na sya sa harap ko at binigay sakin yung coffee at cake..
"so.. ijo what's your name? ohh erase that question.. bigyan mo nalang ako ng gusto mong itawag ko sayo.. you know.. talking and sharing some problems to strangers are good.. hindi ka machichismis.. hahahaha" sabi nya habang natatawa
Sabagay..tama nga naman...
"Uhmm tawagin nyo nalang po akong D.." sabi ko.. tumango tango naman sya..
"hmmmm D...you know what ijo... natutuwa ako sayo.. kaya araw araw akong dumadaan kung saan kita nakita nung nakaraan.. hanggang sa nakita nga kita kanina hahaha.. by the way tawagin mo kong Tito... " sabi nya.. napangiti naman ako..
"O-ok po tito.." sabi ko..
"So anong problema mo ijo?" tanong nya at humigop ng kape..
Medyo nahiya naman ako..
"Uhmm love problem po Tito.." nahihiyang sabi ko, napa ow naman sya at natawa..
"hindi ako expert sa love problem.. pero malay mo may ma advice ako sayo.." nakangiting sabi nya.. tumango naman ako..
"Tito.. pano po kapag may nagustuhan kang babae, at sa kanya na mismo nanggaling na kahit kailan hindi sya magkakagusto sakin? pero tito bago nya sabihin yon, palagi na kaming magkatext.. umasa pa nga ako na may gusto din sya sakin.." sabi ko
"hahaha.. mahirap nga yan Ijo.. kahit ako naman kapag ganon aasa din ako.. lalo na at nag pakita ng motibo sayo.. pero kasi ijo, ang mga babae minsan magulo yan.. depende sa mood nila... iba ang sasabihin nila kapag galit sayo, kapag may topak, kapag nag seselos, o kapag naiinis.. hindi tugma sa totoong nararamdaman nila..." sabi nya.. tiningnan ko naman sya ng nagtatakang look.. kasi di ko magets.. natawa naman sya

YOU ARE READING
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?