7- How Rumors Fly About The Nerd?

79 0 0
                                        


Jane's P.O.V.

Kumikirot ang balikat ko sa pagtama kanina sa locker. May mga babaeng lumapit akin para iganti ang mga kaibigan nilang napauwi kanina, 'yung mga nasa restroom. May backup pala sila.

Hindi sila nakipagtalo. Mga nagbanta lang at nanlait. Magiging kasanayan ko na atang laging makakinig ng ganun. Okay lang, basta walang physical na sakitan.

Iisang araw pa lamang ito nang makalipat ako pero ang sama ata ng tao dito. Masiyado silang focus sa mga sarili pero mapanisi. Wala akong ginawa sa kanila pero mga apektado sa presensiya ko, dahil nga sa kakaiba ako. Pero ang labo.

Pansin ko ang mga matang sumusunod sa akin mula sa mga estud'yanteng nakatayo sa tapat ng kotse nila. Katulad sa umaga, may grupo silang kasama, at mga nagku-kuwentuhan. Kahit hindi ko sabihing ako, ako talaga ang laman ng topic nila. Hindi iyun base sa pakiramdam, base iyun sa katotohanan.

"She tried to kick-out Dare and hindi lang iyun! She even put someone daw sa Disciplinary Office kanina." Mapag-akusang ani ng isa.

"Yeah, she's scary."

"I didn't know we got a new freak."

"Man, this school is getting creepier and creepier."

"Maybe she's mental. Sino ang gagawa nan in the right state, right?"

"A war freak nerd, nice."

Sinarado ko ang aking pangkinig sa mga bulungan nila. Nakidaan ako sa parking lot, sa harap nila. Wala akong choice. Eto lang ang puwede kong daanan para makapara ng taxi.

"Yo, freak! Stay where you at!" Sigaw ng papalapit na lalaki.

Hindi sigurado kung ako ba ang tinatawag niya, pero hinaraan rin ako ng ilang mga babaeng kasama nito. Marami sila. May mga babae, may mga lalaki. Malaking grupo.

"Hi there. Wanna hangout?" Nakangiting saad ng isang babae.

Umurong ako at tumalikod para maglakad pabalik, ngunit naharaan na rin ko ng iba pang kasamahan nila.

"Umm, excuse me. Dadaan ako." Mahina kong bulong.

"Oh, hindi iyan ang sinabi mo sa akin kanina." Mapang-asar na ani ng isang pamilyar na lalaki.

Siya 'yung sa lunch kanina.

"Hahaha, ang funny no? You told him to get in his place. This is it! Eh ikaw?" Maarteng tanong ng isa pang babae. "Do you really belong here?"

Niyakap ko papaunahan ang bag ko. "Makikidaan lang ako. Ayaw ko ng gulo."

"You should have said it earlier. Hindi 'yung nang papahiya ka ng mga tao." Dagdag pa ng lalaki sa gilid.

"Wala akong ganung intention. Gusto ko lang makauwi."

"Oh ngayon ayaw mo ng gulo? After you set up Dare and many people sa Disciplinary Office, you'll ask for that?" Nilapitan ako ng galit na babae.

"You should go back where you belong, hindi ka nababagay dito!"

At tinulak ako ng isa sa dibdib. May humablot ng bag ko at pinagsisipa sa kung saan-saan. Tinaktak nila ang gamit ko sa loob gayun din ang mga maliliit na bagay.

"Yuck, ew! What you call these things, trash?" Nandidiring tinaktak ng isang babae ang laman ng pencil case ko.

Nagtawanan ang iba at nagawa pang punitin ang mga notebook at libro ko.

"Teka! Wag ang gamit ko!" Pinilit kong umalpas sa kapit nila pero hinahablot nila ako pabalik.

"Wag kang maingay. Stay here, just watch."

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessWhere stories live. Discover now