11- How Nerd and Trouble Crossed Paths?

65 0 0
                                        


Jane's P.O.V.

Pagkatapos kong tumakbo, lumabas ako ng school. Alam kong hinabol ako ni Dare pero may class pa sila kaya napigilan ng teacher. Kinig na kinig ko pa nga ang hiyawan ng gulo sa gym. Sobra akong kinabahan kaya lumabas ako ng school kahit walang permit. Bawal pero nagawa ko.

Pag-inaalala ko pa rin 'yung nangyari, natatakot ako sa puwede nilang iganti. Bahala na sa Monday kung ano man ang nag-iintay sa akin.

Saturday ngayon at nasa mall ako. Balak kong bumili ng bag. Wala na ngang pang itaas na uniform, wala pang libro tapos wala pang bag? Hindi naman puwedeng lahat malawa na, kaya iisa-isahin ko muna ang bili. At ngayon, bag ang pinaka-kailangan ko. Tatawag pa ako sa school about sa uniform tutal sila lang ang kayang magprovide nun.

"Oh?" Nangunot ang noo ko. Kusang tumigil ang paa ko sa nakita.

Dumaan ako sa kainan na kilala bilang bilihan ng pizza, may mga pamilyar na tao sa loob. Mali, grupo ng mga lalaki.

"Bakit pati dito nagkakalandas kami?" Mahina kong tanong.

Kasalukuyang nakain ang grupo ng kaibigan nila Dare. Nakaupo sila sa mahabang lamesa, at may babaeng nakatayo sa harapan nila. Hindi ito mukhang parte ng grupo o kaibigan, dahil sa nakikita ko, tinatawanan nila siya. Hindi lamang iyun. Naandun din si Mel na nakatitig na nakatitig sa babae, may sinasabi ito at iyun ata ang nagpapatawa sa mga kalalakihan. Hindi maganda ang atmosphere sa paligid, seriyoso pa ata.

Hanggang dito nagpapahiya sila ng tao?'

Ang angas ng mga taong ito! Mga hindi na marunong mahiya!

"Nakakainis 'tong mga mayayaman na 'to." Bulong ko.

Sam's P.O.V.

I can't believe after the fun show at the gym yesterday meron na namang dadagdag. We are here eating and yet, lumalapit sa amin ang suwerte.

"Dare, you're causing too much scene." Alex complains.

"Don't blame me. Siya ang lumapit." He smirks.

Yeah, it's not his fault that some girl followed him here and showed up out of nowhere.

The thing is, there's this girl who really likes him for so long now. She's been everywhere simula pa noon in every party or places we go. The girl is rich, what can we do? Love can make you either inspired or sometimes, stupid. Obviously in her case, she got the second effects.

Unfortunately, she found us. Ibig sabihin it's either mapapahiya kami o 'yun ang makukuha niya sa amin. At this time, she must know, she always get the second option. Clear fun facts. Pero mukhang mas malala pa ata ang makukuha namin.

Who the heck in the hell will confess in such public place? Oh she did!

"Hahaha, this is really romantic."

"Shut up, Sam." He hissed.

"Akala ko ba gusto mo, Dare? Ano na? Bakit nagagalit ka diyan?" Theo teased him.

Dare's pizza falls on his plate. He threw us a boring look with his middle finger up. Tumawa kami at nagpatuloy kumain.

"You can't get anything here. Can't you see?" Mel said to the girl.

She always do that anyways, butting in our business, kaya bahala na siya kung paano niya itataboy 'yan. Me and others won't bother to pay attention to her. Wala kaming planong pigilan 'yung babae. If she wants to stand there all day, we won't say anything. We like stupid things, and if it happens to be a person, that's all the more it'll entertain us.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessWhere stories live. Discover now