Jane's P.O.V."I can't believe you're the girl I'm talking about all this time!" Tumirik pa ang mata ni Thea sa sobrang excited. Nakatakip ang isang kamay nito sa bibig at ang isa naman ay pumapalo sa lamesa. May ngiti siyang hindi mapatid-patid. "So you rock the stage noong talent month, kaya ka pala nawala! How did you change? Why did you destroyed the guitars?"
Pagkatapos ay suminghap ito ng napakalalim. Nagkatinginan kami ni Laura. Baka mahigop na kami ni Thea at kanina pa siya over. Akala mo kukulangin sa hangin eh. Puwede namang magsalita ng dahan-dahan.
"Oh, I know! It's because you're bad! You're so cool!" Bumungisngis siya ng mahina at tumili ng ipit.
Minsan walang right reasoning ang mga Marven's students sa pagpili ng idol. Kahit dati pa noon, hindi ko sila maintindihan kung bakit lagi silang amaze sa someone na hindi marunong sumunod sa school rules. And yes, I used the term 'hindi marunong'. Sa palagay ko noon ay immature ako at masiyadong uncontrollable kaya't nakagawa ako ng mga hindi magagandang bagay. Sinong may gustong mag-idol ng immature?
"Hindi, nagsira ako dahil diba may P.E. class tayo tapos hinarang tayo nila Mel?"
Ngumanga ito. Samantalang si Laura naging alerto bigla sa pakikinig. Alam niya sigurong pag si Mel ang pag-uusapan ay may hindi kaagad maganda itong ginawa.
"I know that. She talked to me that time para lumayo sa'yo, pinagbantaan rin niya ako." Dagdag ni Thea.
"Oo nga. Pero that time kasi may nagpahiram sa akin ng P.E. uniform tapos nakilala ko kung sino. Ayun isa pala dapat sa magper-perform kasama nila Dare." Umiwas ako ng tingin, at kumamot sa noo. "Nainis ako kaya sinira ko lahat ng guitara nila."
Nakakahiya talaga ang sinasabi ko. "Napaka-unreasonable kong magalit, 'no? Spoiled kasi ako nung Hayley ako. Di pa ako noon marunong mag-express ng emotions, mostly ng negative ones."
"So when you're angry, you do harmful things. When you're happy, you do reckless things. That's why you're a trouble maker before." Pagsa-summarize ni Laura ng persona ko dati. "That's fine, we're all different. It is really hard to entertain yourself when you don't have siblings. Med'yo kakaiba mo nga lang napagdaanan 'yung sa'yo."
"That's right, Jane. We accept who you are. And for me, I think you are brave." Ngumiti si Thea. "Only child din ako but I think I can't do what you did. Ganun nga siguro because our parents are busy and sometimes we need attention. If that is your way to have them focus on you, then it's not your fault. Ako nga eh, ang dami ko laging magpabili ng kung ano-anong expensive things just to make them notice me. Kahit make-up na hindi pang akin, I bought them. Di ko naman gagamitin. Iyayabang ko lang then wala na again. Oh diba, sino ang immature sa atin?"
Tinago ko ang ngiting gumuhit sa aking labi. I can't believe there are people who can understand me. 'Yung iba kasing sinabihan ko nito, they just moralized me. They said they do understand but the reality is pinapagalitan lang niya ako. Ang childish ko daw at kulang sa understanding. But this is really different, I'm getting the same view. And this time, naiintindihan talaga nila ako.
Matagong ngiti si Thea na sumilip kay Laura, tinapik niya ito habang may parang iniintay. "You're turn naman. Nag-open up na kami. How about you, L?"
"Me?" Turo nito sa sarili na napalunok. "Ako? I'm not an only child, I got two older brothers. But, but I can relate."
Biglang bawi niya. Natawa tuloy kami ni Thea. More only, ako lang pala. 'Yung tingin kasi nito parang gegerahin kaagad si Laura nung sinabi niyang may mga kapatid siya. Natatakatawa lang para mag-expect siya na lahat kami ay same. Ano, group of friends kami ng dapat only child lang? Haha, ang weirdo naman namin.

YOU ARE READING
How To Be A Nerd To Troublemaker Princess
Teen FictionCOMPLETE 1st of the Marven's High Stories. HIGHEST RANK: 1st #teenagelife 1st #runawaypricess How To Be A Nerd To A Troublemaker Princess. Written by EverLonelyGreen Marven's High Academy is known as a prestigious school for elite students who came...