27- How's Going Out With A Nerd?

43 1 0
                                        


Jane's P.O.V.

Natapos ang pagkain namin ng tahimik. Salamat kay Kelly na tumabla sa problema ko. Ngunit kahit matapos iyun, hindi pa rin tapos ang araw na ito kaya eto, problema na naman.

"Where are we going?" Tanong ni Dare na tumuktok sa bubong ng kotse niya.

Katulad ng una kong pasok sa school, napapalibutan na naman ako ng magagarang kotse. Naandito kami sa parking lot sa tabi ng square park. Tinanong na ako ni Alex kanina kung gusto ko pa daw isama ang iba niyang mga kaibigan, ngunit dahil pinapawihatig ni Dare kanina sa harap ng pagkainan ang about sa tutoring namin, alam kong uungkatin niya iyun kung hihindi ako sa pagsama nila.

Tumingin muna sa akin si Alex. "We have a plan to go sa library, but I think that would change now."

"Oo, Alex. Not in the library! Ang boring doon, bro." Komento ni Theo, nakasingkit siya dahil sa pagkakatayo sa initan.

"Then where should we go?"

"What about in my house?" Suggestion ni Dare, nakataas ang gilid ng labi nito.

Hindi ko kaagad nagustuhan ang nakinig. Yayabangan na naman ako ng lalaking ito, kaya tinanaw ko na lang ang ibang matataas na building sa paligid. Ngunit may kumilbit sa balikat ko. Si Alex.

"Are you okay with that?"

Humigpit ang kapit ko sa payong. Pasalamat talaga sila at mainit. Hindi halata ang kunot ng noo ko, kahit ang totoo kanina ko pa gustong maupo na lang sa kung saan at magbuklat ng report namin.

"Wala bang iba?" Mahina kong tanong.

Di iyun lumagpas sa pandinig ng iba, kaagad na lumingon ni Sam sa likod na nagsabing mang-aasar siya. Wala naman kasi itong ibang nilingunan kung hindi si Dare.

"What? She doesn't want to?" Tanong nito na kinatango ni Sam. "Hahaha! Doll, tumitindi ang galit mo sa akin ah! My house would serve you. It's relaxing there. Doon na tayo!"

Sumigaw ito dahil malayo ang kinakatayuan ng sasakiyan niya sa sasakiyan ni Alex.

"Jane, mas okay doon. If Dare is at his house, marami siyang magagawa. Hindi ka niya magugulo." Saad ni Carl. "He's easy to get bored pag nag-aaral, he might just play some video games pagnatagalan."

Pagnatagalan? Kailan iyan? Eh sa tingin pa lamang ng lalaking iyan ngayon palang ako na kaagd ang tatamaan pagnabored siya. Nagsisimula na akong matakot sa bawat ngisi, ngiti at mga pinaggaga-gawa niya. Hindi na normal ang tingin ko sa kaniya. Tamo, hanggang ngayon nakikipagsukatan pa ng tingin sa akin.

Ginilid ko ang aking ulo para bumulong sa katabi. "Alex, sa library na lang tayo. Kung ayaw nila sumama, edi wag. Puwede ko namang gawin 'yung part ko ng ako lang. Maghati na lang tayo ng task."

"No, we will do it together. It'll be unfair for you to do it alone when it's Kelly's part." Sumigaw ito sa mga kasama namin. "We will go to the library! You guys pick your own place."

After that, he starts his car. Ganun din sila Theo at ang iba, ngunit tumingin muna sila kay Dare bago hinayaan siyang mag-isa sa labas ng sasakiyan niya. Tumabi sa akin si Thea.

"Jane, I think bad thing is coming."

Nakikita ko ang ibig sabihin niya. Si Dare naglalakad papalapit sa amin.

"Doll, you'll be riding in my car."

Inikot ko ang payong sa aking kapit. Tinanaw ko ulit ang nakapalibot sa aming mga puno. Gawain ko na ata 'to sa tuwing aasarin ako ng lalaking ito. Sa tingin ko di ko kayang pigilan ang sarili kong di siya saktan. Punong-puno na ako sa kaniya. Mula kanina wala pa siyang matinong nasasabi. Sabagay, wala naman talagang matinong pag-iisip siya, ano pang aasahan ko? Never siyang naging mabait sa akin.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon