41- How Trouble Plans For The Nerd?

29 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Hanggang kailan ba makikipaglaro ang lalaking 'to?! Maawa siya sa akin, eleven na ng gabi oh!

"That's my entertainment room. If you want, you can take a peek inside in some other time. We have to go to my room, I'd like to tour you there." Lumakad siya.

Di ko na kaya!

"Teka nga muna, 'yung mga gamit ko?!" Pumadiyak ako para maramdaman niya ang inis ko. "Kanina mo pa sinasabing kukunin pero wala naman sa mga pinapakita mong rooms! Nasaan ba kasi?!"

Tumawa siya. "I told you, we will get it. Ikaw lang ang may ayaw."

"Bakit ako?! Eh ikaw 'yung kung saan-saan pumunpunta! Di ko kailangan pumunta sa room mo! Hindi ako pumunta dito para uliin ang bahay niyo. Ilabas mo na kasi ang mga gamit ko! Gabi na oh!"

"I know! That's why I've been saying let's to go to my room." May kapilyuhan siyang ngumisi. Di ko nagustuhan iyun.

"Hindi ka naman tour guide diba? Wala naman sigurong trip map ang bahay niyo. Baka puwede nating kunin na ang mga gamit ko?"

"Hahaha, Doll. That's what I've been saying all this time. Your things are in my room!" At humagalpak ito ng tawa. "I thought you want a home tour for prolonging it!"

"Nasa room mo?! Ano ka ba, dapat sinabi mo kaagad!" Hinampas ko siya sa bilikat. "Kunin mo na, iintayin ko na lang sa baba. Ayoko ng home tour."

Pababa na ako kaso kinapitan niya ang braso ko. "Doll, I can't just get all of them. It's your things, not mine."

Talaga ba? Eh kinuha mo nga lahat.

"Oo nga, pero sino bang nagsabing kuhain mo?"

"Your roommate gave them, and I took the chance?" Di niya siguradong sagot. Today, kakaiba talaga siya. Parang ang gaan-gaan ng aura niya. Parehas naman kami ng kinain pero ang saya-saya niya na di ko maramdaman sa sarili.

"Kinuha mo, edi kaya mong ibalik. Akin na. Intayin ko sa baba." Tapos kumaripas ako pababa.

"Doll! To my room!"

Baliw siya! Pinagtitinginan na ako ng mga maids dito. Buwisit!

Katulad ng sinabi ko, inintay ko siya sa baba, sa sofa. Damit, school na gamit, salamin at mostly gamit na ginagamit ko bilang Jane Cena ang nakuha niya kaya kaunti lang. Kinabahan ako dahil baka may magslip na one thing for Hayley ang napasama. Sana wala.

"Ma'am, do need something po?" Tumungo ang isang katulong sa harap ko. Nagulat ako.

"W-wala po. Paki-tawag lang po sana si Sir nin'yo. Umm, gabi na po kasi." Magalang at nahihiya kong pakisuyo. It's almost midnight. May pasok bukas. Baka malate ako.

"Opo, Ma'am." Naglaho ito sa paningin ko.

Ang bilis mag-utos dito ah. Practice na practice siguro sila dahil kay Dare. Mautos siguro iyun. Sabagay spoiled siya. Iisang anak pa, binibigay siguro lahat ng magulang ang hiling. Sana all, pero sana pagalitan din nila siya ng mabawasan ang kayabangan sa katawan. Ang tigas ng ulo eh, pati ako nadadamay.

"Ma'am, pasensiya na po. Ang sabi ni Sir Daryl, ikaw daw po ang umakyat sa taas." Sabi ng bumalik na katulong.

Umakyat ang init sa ulo ko. "Po?"

"Umakyat ka daw po Ma'am sa taas. Kung pagod na daw po ikaw, matulog ka na din daw po."

"Matulog?! Hindi po ako matutulog dito!" Tumayo ako. Kung ano-ano na ang sinasabi niya sa mga tao dito! Nanggagalaiti na ako sa kaniya!

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessWhere stories live. Discover now