Jane's P.O.V.Buong maghapon ang sakit ng tiyan ko kahapon. Hindi pala maganda ang tumakbo pagkatapos kumain. Inabot ng gabi hanggang umaga, at eto na nga, buong maghapon rin atang aabutin na naman ang sakit ng tiyan ko dahil tumakbo rin ako kanina.
Si Jane na naman ulit ako. Back to mystery ang pagsulpot ni Hayley. Ngayong araw na 'to, kumain ulit ako kasama sina Razelle. Mahina man ang impact na expect namin ni Dare pero may mga naglunchbox kanina. Lahat sila sumama rin sa table namin. Baka bukas madagdagan ulit kami sa table. At least nababawasan ang mga maarte.
"Ang sakit talaga." Umunat ako sa upuan. Tahimik ang lahat sa short quiz namin. Tinapos ko kaagad ang akin. Ang sakit na nga ng tiyan ko hahayaan ko pa bang madamay pati ang ulo ko?
"Jane, lumabas ka kaya muna." Mahinang bulong ni Thea.
Eto na nga oh, gusto ko na talaga. Ang kaso bawal lumabas hangga't di tapos ang lahat. Gusto ko ng pumunta sa clinic. Kakaiba na ang feeling ko. Kagabi nakayanan ko pa pero ngayon parang hindi na. Kailangan ko na talaga ng gamot.
"Time's up, pass your paper."
Pagkasabi na pagkasabi ng teacher nanulak kaagad ako para maunang makapasa. Nagpaalam na rin akong lumabas. Pumayag naman kaya nagmadali akong tumakbo.
"Dol—"
Hindi ko pinansin si Dare na sinubukan pang humara. Itulak ko siya d'yan eh. Kainis talaga. Akala lahat biro.
Pagkalabas ko ng classroom, nanghina kaagad ako. Nahilo ako at parang nakakaramdam ng kunting pagsusuka. Umaakyat ang kinain ko. Akala ko kanina acid lang at baka hindi lang natunawan, pero kakaiba na talaga. Nakakapanglambot ang sakit.
"Jane, are you okay?" Tanong ni Alex na kakalabas rin ata ng classroom. Sinilip niya kung paano ko kapitan ang tiyan ko. "What's wrong?"
"Med'yo ano—may masakit lang ng kunti." Nangiwi ako.
Paano ko sasabihin ang problema kung sa isang gentleman at noble guy pa ako napasubong? Hindi puwedeng sabihin ko sa kaniya na, 'Talagang ang sakit ng tiyan ko, Alex. Di ko na kaya! Hindi ako nababaniyo para gawin ang number three pero ang sakit talaga ng tiyan ko! I'm going sa clinic', oh diba, hindi ko siya puwedeng rektahin ng ganiyan. Ang tino kaya at ang ayos nitong si Alex.
"Something's wrong? Can I help you?" Lumapit siya para alalayan ako. Nahihilo ako pero...pero may something sa bibig ko ang gustong lumabas!
"Tek-a, Alex—bwuaah!"
Sumuka na ako. Tinulak ko siya pero nanlaban niyang hinabol ako kaya nasukahan ko siya sa braso. Tinakluban ko kaagad ang bibig ko. Nanlaki pareho ang mga mata namin.
Nakakahiya! 'Yung kinain ko kanina nasa braso niya! May kunting talsik pa sa uniform niya! Ang grabe!
"Alex, Alex, sor—" Di ko na natapos ang sinasabi ko at nasuka ulit. This time sa sahig na talaga. Buti at naka-urong siya. Grabe, nakakahiya talaga! Nakikita niya akong sumuka!
"Ahk! Ah..." Naging lantang gulay ang buong katawan ko. Umupo ako sa biglang pagkawala ng lakas, pati ulo ko bumibigat.
"Jane, I will bring you to the clinic."
Pagkatapos nun, may bumuhat sa akin. Hinatak ng sakit ng ulo ang mga mata ko para pumikit.
Dare's P.O.V.
What was with Doll? She rushed outside but haven't come back yet. What's taking her so long?
I glance at the left side to Theo's back. Alex's chair is also empty. I didn't notice he was not here too.

YOU ARE READING
How To Be A Nerd To Troublemaker Princess
Teen FictionCOMPLETE 1st of the Marven's High Stories. HIGHEST RANK: 1st #teenagelife 1st #runawaypricess How To Be A Nerd To A Troublemaker Princess. Written by EverLonelyGreen Marven's High Academy is known as a prestigious school for elite students who came...