Jane's P.O.V.Dinala kami ng teacher sa Disciplinary Office. Sinabi niya ang gulong ginawa ni Dare ng damay ako, pagkatapos iniwanan kami kay Mr. Ramono, ang Disciplinary Officer ng school. Seriyoso siyang nakahalumbaba ngayon sa tapat namin habang pinagma-masdan kami. Wala siyang sinasabi, tanging titignan lang ako at si Dare ng paulit-ulit. Ako, kinakabahan pero 'yung katabi ko, may sariling confidence at ngiti.
"Jane Cena ang pangalan mo diba, Miss?" Tanong ni Mr. Ramono.
Tumango ako ng tahimik. Naramdaman kong parehas na nakatignin sa akin ang dalawang lalaking kasama ko.
"I haven't know you but okay ka ba sa grades mo?"
"Opo, okay naman po. Nag-aaral po ako ng mabuti." Tumungo ulit ako sa pagsagot bago umiwas ng tingin. Never kong nagustuhan kung paano siya tumingin.
"Good, good. So it'll be right if I'll describe you as a good student, right?"
Maliit ang naging tango ko. Hindi ko makompirma kung tama bang maging good student ako ngayong naandito ako. Kasalanan 'to ni Dare. Dahil sa pagbabanta niya kanina, wala na akong kawala sa mga gulong idadamay niya sa akin.
"And Dare, per usual, I won't ask you since you're always here. Considering that this is the first time I saw you, Miss Cena, I would say that this is basically Dare's fault. Am I right?"
Umiwas ako ng tingin. Hindi ako makasagot dahil alam kong may kasalanan din naman ako. Kung hindi ko siguro ginawa 'yung sa gym class nung Friday, baka may lakas pa ako ng loob ngayon na isisi lahat sa kaniya. Alam ko kasing gumaganti lamang siya ngayon.
"She can't answer 'cause she knew she did something. Mr. Ramono, let's not based this in my history. What happened this morning is our teacher's fault. He's being sensitive about students talking in class, and it so happened that it's the two of us that moment, kaya niya kami pinadala dito." Pagpapaliwanag ni Dare habang nakangisi.
Pahamak talaga kahit kailan! Pati D.O. niyabangan!
"Okay, but your teacher reported that the two of you are disrespectfully talking about his hairstyle which is confidentially his own preference under his private life." Tinaas ni Mr. Ramono ang tingin niya sa aming dalawa. "It's improper to talk about him, he is your teacher."
"Opo, pero ideya po lahat iyun ni Dare. Siya po ang pauna." Paunang pagpapaliwanag ko. "Siya po ang nagsabi ng masama at tinutulan ko lang po pero binaligtad niya ako sa teacher namin at dinagdagan pa po na ako daw ang nagsabi."
Buo na ang fake story, ngunit hindi puwedeng hayaan ko lang na si Dare ang gumawa. Walang nakakaalam ng tunay na pinag-usapan namin, kaya advantage ko na ang pagiging bad boy niya para mapaniwala ang D.O. na innocent ako.
"What?" Natatawang pagbaling sa akin ng katabi ko. "You'll turning the whole story badly to me. You said it yourself dahil sinisisi mo ako sa wet paint ng chair mo."
Ang sarap talagang saktan ng lalaking ito!
Pati iyun sinama niya para lang makagawa ng kuwento?!
"How you'll explain that paint in your back, Miss Cena?"
"May naglagay po sa upuan ko. Hindi ko po alam kung sino, wala naman po akong balak may sisihin dahil hindi po ako magsusumbong." Tumungo ako para tignan ang sapatos ko.
"Really? But why did you blame me earlier?" Ganti ni Dare na nagpa-patuloy sa acting.
Kung alam lang niya, sarili lang niya ang inuuto niya.
Huminga ng malalim ang D.O. bago sumandal sa upuan. "Would you still like to be silent about this matter, Miss Cena? Are you sure you don't have any idea who did those things to you? Wala ka pa rin bang sasabihin ngayong pangalan?"

YOU ARE READING
How To Be A Nerd To Troublemaker Princess
Teen FictionCOMPLETE 1st of the Marven's High Stories. HIGHEST RANK: 1st #teenagelife 1st #runawaypricess How To Be A Nerd To A Troublemaker Princess. Written by EverLonelyGreen Marven's High Academy is known as a prestigious school for elite students who came...