Jane's P.O.V.Anong ginagawa ko sa buhay? Bakit ako naandito sa bahay ni Dare at dito natutulog?! May masama pa siyang plano sa akin. May clue na kaya siya? Kino-corner ba niya ako?
Hindi ako mapalagay kaya umagang-umaga palang umalis na ako. Around 5 a.m. nang binitbit ko ang lahat ng gamit ko. Antok man at kulang sa tulog, pumasok pa rin ako.
"Jane, you're early?" Thea scanned me weirdly almost like saying I shouldn't be here.
"Yeah, antok na antok pa nga ako." Inubob ko ulit ang ulo sa desk.
"Why? Something happened?"
Ay, di ko nga pala puwedeng sabihin na nakita ni Dare ako bilang Hayley. Magpa-panic siya panigurado.
"Wala naman, di lang ako makatulog kahapon."
"Oh? You had your uniform, where'd you get it?"
"Sa bahay, nakita ko na 'yung susi." Bumuntong hininga ako sa pagsisinungaling. Di siya makakahalata pero kahit pa. Concern siya tapos binabalewala ko. Anong klaseng tao ako?
"That's good! By the way, speaking of good news," Bigla siyang lumapit ng may tuwang parang excited. "Did you heard about the pageant?!"
Kinuha kong pagkakataon ang pagkamot sa ulo para tumingin sa upuan ng lalaking unang bumanggit nun. Wala pa siya ngunit nakakaabot na sa akin ang galit niya.
Sinong hindi makakaalam ng about sa pageant? Student rin ako dito dati, though wala akong pake sa contest. Last ng pageant ata nung nag-aaral pa ako dito ang nanalo ay ang section na....na ito?! Oo nga, may lalaking pang laban dito! Di ko matandaan pero every year siya ang nalaban at nanalo! May escort kasi ang mga beauty queens na lumalaban, at isa 'yun sa mga kasama ni Dare!
Si Theo ba? Hindi eh. Pero puwede, ang ingay niya kasi. Tsaka siya lang ang game na game sa ganitong kalokohan. Siya lang ang minus serious sa kanila eh. Pero nakakahiya siya. Kung ako kay Dare, hindi ko siya papasalihin. Mapapahiya ang grupo nila kung si Theo ang gagawa ng talent portion.
Si Carl kaya? Puwede. Serious siya, hindi niya siguro wawasuhin. Oo nga, hindi siya nagpapahuli sa lahat. Pero kung usapang talino, edi si Alex dapat. Pero hindi siya for this kind of events dahil kung ang pagbabasehan ay boto, may mas sikat pa sa kaniya. Si Sam. Ano naman kaya ang gagawin nun sa stage? Naku.
Sino ba kasi sa kanila? Bakit hindi ko matandaan? Yearly, yearly nanalo 'yun eh.
"Jane! This is one of the biggest event for the girls! This is the chance to get notice and shine!" Kuminang ng husto ang mata ni Thea. Batak siya. At feeling ko wala akong kawala kundi ang pakinggan siya.
"Talaga? Edi sasali ka?" Tanong ko.
Natigilan 'to. "Ha?! No! I can't! It's not for me."
Nawala ang pagkasigla nito at natahimik. Naging malumbay siya. See, gusto rin niya. Oh, eh, anong problema?
"Thea, gusto mo?"
"No." Malumbay siyang umiling at sumulyap ng kunti sa mga babaeng nasa next row.
"I can't wait for the pageant! Sino kaya ang Muse natin?" Excited na ani ng isang babae naming classmate.
"Are you joining too?" Tanong nung kausap.
"Of course! Who wouldn't?! It's a chance to showcase my beauty, girl!"
Kahit nakangiti ang kausap niya, alam kong sasali rin ito. Umiling kasi 'to sa pagbanggit ng kaibigan sa pagsali.
Marami pala ang sasali. Malaking competition nga.

ВЫ ЧИТАЕТЕ
How To Be A Nerd To Troublemaker Princess
Подростковая литератураCOMPLETE 1st of the Marven's High Stories. HIGHEST RANK: 1st #teenagelife 1st #runawaypricess How To Be A Nerd To A Troublemaker Princess. Written by EverLonelyGreen Marven's High Academy is known as a prestigious school for elite students who came...