Jane's P.O.V."Doll," Pagtawag ng lalaking naglalakad malapit sa likod ko. "Our relationship crap is a good cover up, Mr. Ramono really believes it. If it weren't because of me, my parents would probably crushing your parents right now. I'm really too good at lying and for playing this game, don't you agree?"
At talgang pinagyabang pa ang masama niyang ugali. Anong klaseng tao siya?
Tumahimik ako at pinangkapitan ang galit na kanina ko pa pinipigilan. Gusto kong isiping ako lang ang naglalakad dito sa hallway at wala nang iba. Ngunit likas ang kakulitan sa kaniya kaya pinantayan ako sa paglalakad.
"Wait, don't tell me you're still angry? We do have a history but don't stretch it. We're not in a real relationship to keep being mad at me. Hey," Tinapik niya ako sa braso. "We will continue to play this game whatever happens, okay? We're still not done yet. I know you're still enjoying this, so don't gave me cold shoulders, may tutor session pa tayo mamaya."
Kaasar ang attitude niya. Ang laki pa niyang ngumiti, ano ba siya may saltik? Sinong nasa tamang katinuan ang ganito umakto, samantalang kagagaling lang namin sa D.O. at katatanggap lang ng parusa? Ang saya naman ata niya para sa isang napagalitan. Nakakapuno na talaga!
"Whatever, keep your anger. It will replenish this hate game." Tumawa pa ito lalo.
At the ending walang nabago. May deal pa rin ako sa D.O. na may kinalaman sa kaniya. Hindi pa rin ako makakaalis sa situwasiyon ko, at patuloy pa rin gagawin ni Dare ang gusto niya.
Bumuntong hininga ako sa pagbukas ng classroom. Nagtinginan sa amin ang mga classmates namin, lahat mapang-husga akong minata. Ang iba naman, katulad ng mga kaibigan ni Dare, ay mga nakangiti at natutuwa sa pagbabalik niya.
Nagtataka ako. Kaibigan nila si Kelly, ang may ari ng school, hindi ba't dapat alam nilang hindi siya puwedeng ma-expel talaga? Ang tagal ng ganito ni Dare sa mga nakikinig kong balita kaya ano pang kinakakaba nila? Na kay Dare ang suportang kailangan niya para manatili dito.
"Miss Cena, stay where you at."
Hindi ako tuluyang pinapasok ng teacher, natigil ako sa harap ng klase. Ang iba ay natawa. Ang lalaki naman sa likod ko dinagil ang balikat ko at binigyan ako ng isang mayabang na ngiti.
"Good luck Doll." Mapang-asar niyang bulong at umupo sa upuan.
Kinabahan ako sa pag-iintay ng sasabihin ng teacher. Bakit ako lang ang nakatayo dito? May ginawa ba ako?
"It's fine. You don't have to be nervous. May sasabihin din ako, wait lang." Napansin ng teacher ang kaba ko kaya't sinenyasan niya ako. Humugot siya ng maraming papel sa desk. Humarap ito sa buong klase. "The rest of you will be having a surprise quiz. It's about the next lesson."
Marami ang tumutol.
"Pero Ma'am, will that be graded? Wala pa po tayong nasisimulan na introduction about sa next lesson."
"Kaya nga po. We still haven't tackle that."
"Can't that be non-graded? Di pa ako nag-aaral about that." Kahit si Carl ay natungo sa pagtutol.
Sina Theo rin, may katulad na pag-iling na ginawa. Sa kanilang lahat si Alex lang ata ang walang expresiyon. Si Dare kasi wala talagang pakialam. Mayabang pa rin at di pa rin natatanggal ang ngisi sa mukha niya. Ganun din si Sam, pero lumilingon ito sa katabi, kay Kelly na hindi nagalaw. Tuwid na tuwid ang likod nito at bukas na bukas ang mata. Parang di siya nahinga sa gulat.
May talim lamang na tinignan ng guro ang bawat nagrereklamo.
"Ngayon dapat alam niyo na na kahit walang grades ang self-study assignments, it's still an assignment na dapat gawin ninyo. All of you are aware that it'll add up to your knowledge, and assignments are one of your student duties, kaya dapat gawin ninyo. Now, we will have a quiz. For those who studied, thank yourself late for studying."

YOU ARE READING
How To Be A Nerd To Troublemaker Princess
Teen FictionCOMPLETE 1st of the Marven's High Stories. HIGHEST RANK: 1st #teenagelife 1st #runawaypricess How To Be A Nerd To A Troublemaker Princess. Written by EverLonelyGreen Marven's High Academy is known as a prestigious school for elite students who came...