29- How Was The Nerd's World?

43 0 0
                                    


Third's Person P.O.V.

Nanatili si Mel sa nakatayo malapit sa pinto. Meron siyang ngiti sa labi ngunit lamang ang galit sa mukha. Kinabahan si Thea. Sila lang ni Jane, at may mga kasama si Mel. Sa kaniyang utak naghahalo ang sarkastikong tawa at inis.

'Seriously, she still have friends after her two-face showed?'

Umiling si Thea. Kinapitan niya ang kamay ni Jane na walang takot sa mukha. Kasalukuyan ngayong nag-iisip si Jane kung paano nasulpot lagi si Mel at nangengelam sa away nila ni Dare. Hindi niya mahanap ang connection sa dalawa.

"You're still talking to Dare? I can't exactly know what kind of pride you have." Nagdilim ang expresiyon ni Mel kay Jane. "Nerd, you should stay away from him."

"Bakit hindi siya ang sabihan mo?" Ganti ni Jane sa seriyosong tinig. Ang hamon ay nagtunog lait.

"Who, Dare? He wouldn't listen to whatever I told him, there's no choice kung di ikaw ang lalayo. If you won't, I would make you."

Seriyosong pagbabanta ang binitawan ni Mel, na alarma si Thea. She knows what Mel can do. Marami itong connection at taong puwedeng utusan.

"Nagpapatawa ka ba?" Sarkastikong tawa ni Jane. "Ayaw ko nga sa lalaking iyun pero kahit anong gawin ko, ayaw niya akong tantanan. Ikaw na rin mismo ang nagsabi, siya ang may ayaw. Hindi pa rin ba malinaw sa'yo iyun?"

"What you mean, may gusto sa'yo si Dare? Hahaha, dream on nerd!" Ani ng isa sa mga kaibigan ni Mel.

Sinabayan rin ni Jane ng mas malakas ang tawa sila. Nangilabot si Thea. Sa tingin niya ay out of mind na ang kaibigan. Naging nakakatakot kasi. Pati ang ibang mga babae ay napatigil sa pagtawa. Lahat ay nagtinginan kay Jane.

"Hahaha! Gusto niyong lumayo siya sa akin?!" Humampas nito ng malakas sa binti. Buhay na buhay ang mata niya sa tuwa. Tuwa na totoo o hindi, basta malawak ang ngiti niya. "Hindi lang kayo ang may gusto nun! Ako rin!"

Nagtinginan sila Mel. Nakumbinsi ang iba dahil alam nila ang away sa pagitan nila ni Dare. Katunayan, she's definitely agreeing with them hundred percent. There's no opposition.

'Tama nga naman si Jane. She also doesn't want to be near Dare.'

Pagsangayon ni Thea sa kaniyang isipan.

Si Mel naman ay natameme. Wala siyang masabi. Akala niya ay kailangan pang pigilan ito at higitin palayo sa lalaki, ngunit di niya lubos na akalain na magkaparehas pala sila ng hangarin.

"What are you saying?"

Tinuro ni Jane ang sarili. "Ako rin, ayaw ko rin sa kaniya. Kaya kung gusto ninyo, bakit hindi niyo baguhin ang isip niya? Kasi kahit anong laban ko, hindi siya nawawala eh."

Right, it's on Dare's hand kung gusto niyang tumigil. Given na ang normal na intention ni Jane. She just wanted to study in peace, but Dare have another thoughts. He wants to push her on every corner and make her surrender in this school. Dare has the intentions, not Jane. They would only be going in a circle.

"Mel," Tawag ni Thea. "Dare have done bad things to Jane, sa tingin mo bakit kaya? Sinong hindi aayaw na lumapit?"

Pinatatag nito ang postura at pinilit na ngumiti. "Who knows? But I'm here to give you the taste of warning. If hindi ka lalayo sa kaniya, or if you speak anything na magpapaalis sa kaniya dito sa school, you will experience something more than this!"

Mabilis na hinatak nito ang pinto at sinaraduhan. Lumapit si Thea para pilit na buksan, ngunit nakasarado ito mula sa labas.

"Mel! Open the door!" Sigaw niya.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessWhere stories live. Discover now