CTBC: Kabanata 2

81K 1.9K 174
                                    

WARNING: This story may contain harsh, curse, violent or vulgar words/scenes which are not appropriate to the young readers. Please read at your own risk.

NAGSINDI ako ng sigarilyo at agad 'yung hinithit habang nasa terrace ng aking opisina at pinagmamasdan ang mga empleyadong labas-masok sa aking kompanya. Ipinikit ko ang aking mga mata upang alalahanin ang mukha no'ng babaeng nakita ko sa labas ng restaurant na pinanggalingan ko kanina.

Her angelic face. Tsk! Napabuntong-hininga ako bago nagmulat ng aking mga mata. Binura ko agad sa aking isip ang mukha ng babaeng iyon. Hindi ko dapat ito isipin dahil ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko na ito gugustuhin pang makita. Hindi na dapat kami muling naglandas.

Pinatay ko ang sindi ng aking sigarilyo na halos hindi pa nangangalahati para pumasok na ng aking opisina. Pabagsak akong umupo sa swivel chair. Pinindot ko ang intercom na konektado sa aking secretary na si Klara Jimenez.

"Yes Mr. Montemayor?"

"Prepare the conference room in 5 minutes" wika ko dito bago ko pinatay ang intercom. Napabuntong-hininga ako pagkatapos.

"Precious Gem San Isidro" usal ko sa pangalan nito habang pinaiikot ang hawak na ballpen sa mga daliri.

Nang makalipas ang limang minutong paghihintay ay narinig ko na rin ang katok mula sa pinto ng aking opisina. Alam ko na ang sekretarya ko na iyon.

"Come in" wika ko na naging senyales upang pumasok na si miss Jimenez sa aking opisina.

"The conference room is now ready for the meeting Mr. Montemayor" Pagbibigay-alam nito sa akin kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair.

"Ok. Let's go" saad ko bago mabilis na isinuot ang coat na hinubad ko kanina.

Nang makapasok ako sa conference room ay agad na tumahimik ang mga staffs na naroon. Agad akong naupo sa unahang upuan na sadyang nakalaan para sa akin.

"Let's start" walang emosiyon na wika ko bago binuklat ang mga report na nasa harapan ko para basahin ang mga iyon.

Nagsimula nang magreport ang mga staffs na naroon. Kanyang-kanyang report ang mga ito kung ano na ang nangyayari sa food industry na isa sa mga negosiyong pinatatakbo ko. Hindi ko naman pinag-aksayang tingnan ang mga ito dahil nakatutok lang ang paningin ko sa binabasa kong mga papeles.

"So far so good sir" Pagtatapos ng mga ito. Napakunot ang aking noo.

"Good? If good then why there's some shortage in our food products? Why there is a report about lacking of supplies to our clients? As far as I know, we are the big suppliers of different can goods and frozen foods. What happened?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa mga ito. Agad na tumikhim ang isa kong staff.

"Because of slow labor sir. Mabagal po kasi ang iba nating mga manggagawa dahil----"

"Are you idiot? Why don't you replace them? I don't need those kind of workers. Tsk!" Inis na tanong ko dito na ikinayuko nito. Napahilot ako sa aking sentido. "And next time if you are going to hire workers, make sure to check how effecient they are or else I'll fire you" Dagdag ko pa.

"N-noted sir" Kinakabahan na sagot naman nito. Napabuntong-hininga nalang ako.

"We need more workers as well as workplace for them to create more supplies and to avoid this kind of shortage" wika ko sa mga ito habang nag-iisip ng malalim. "My only problem is where I am going to build those factories" wika ko pa. I have lots of lands all over the country but I don't want to build factories in those places because that is for my other properties and businesses.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon