CTBC: Kabanata 38

53.1K 1.2K 47
                                    


"Save some for my Gem. Tsk!" Narinig kong suway ni Dior sa kung sinuman ang kausap nito sa kusina. Patungo pa lamang ako roon.

"Hi, miss strawberry"

"Hello, Precy"

"Come, join us for breakfast"

Natigilan ako no'ng bumungad sa harapan ko sina sir Diom, ate Dianne at ang asawa nitong si Rayven. Nakatingin ang mga ito sa gawi ko habang nakangiti at may kanya-kanyang hawak na pancake. Sa tingin ko ay ang pancake ang ipinagkakait ni Dior sa mga ito.  Alanging ngumiti ako sa mga ito pabalik.

Bumaling naman sa akin si Dior na ngayon ay may suot pang apron habang naghahain ng mga pagkain sa lamesa. Ngumiti muna ito bago ako nilapitan. 

"Good morning, sweetheart" Bati pa nito sa akin bago ako mabilis na hinalikan sa noo.

Agad na nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa ginawa nito. Nadagdagan pa iyon no'ng mapansin ko na nakamaang sa amin ngayon sina sir Diom, ate Dianne at Rayven. Halatang nagulat ang mga ito sa ginawa ni Dior.

"G-good morning" Balik-bati ko dito bago dahan-dahang bumaling kina sir Diom. "Good morning din sa inyo"

Ipinaghila ako ng upuan ni Dior kaya agad akong umupo doon. "You need to eat well, sweetheart" wika nito bago nilagyan ng pagkain ang aking plato.

Tumango naman ako bilang tugon. "S-salamat" Nakangiting pasasalamat ko pa dito.

Ngumiti rin ito sa akin at bahagyang ginulo pa ang aking buhok bago umupo sa katabi kong upuan.

"Kayo na ba?" Sabay na tanong sa amin nina sir Diom at ate Dianne.

Muntik pa akong masamid ng sarili kong laway dahil sa tanong na iyon. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Dior habang nilalagyan ng tubig ang aking baso.

"Soon/Hindi" Sabay na sagot naman namin ni Dior dahilan para magtama ang mga paningin namin.

"Tsk! Para kasi kayong magjowa kung kumilos, sobrang tamis----nakakadiabetis" wika pa ni ate Dianne na tumawa pa ng mahina bago kumagat sa hawak nitong pancake. "Your sweetness taste like this" Dagdag nito habang nginunguya ang pancake.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

"Gano'n talaga, love. Minsan mas matamis ang relasyon sa mga walang label---- pero mas mapait at masakit nga lang din kapag nalaman mo sa huli na wala pala talaga kayong pag-asa sa isa't-isa" Singit ni Rayven na ngayon ay sinusubuan ng pagkain ang anak na nasa tabi nito. "Ang mahirap at masakit sa walang label ay  'yung tipong selos na selos kana pero wala kang magawa kasi unang-una, kayo ba? wala kang karapatang pagbawalan siyang lumayo sa iba kasi hindi mo naman siya pag-aari, diba? Hahaha" Pagpapatuloy nito.

"Tama ka diyan, love" Susog naman ni ate Dianne sa sinabi ng asawa nito.

Natigilan naman ako bigla sa sinabi ni Rayven dahil pakiramdam ko ay para sa akin iyon. Pinapatamaan ba ako nito? Oo aaminin ko, nagseselos nga ako doon sa Jade Gomer at tulad nga ng sinabi ni Rayven, hindi ko magawang pagbawalang lumapit doon si Dior dahil wala naman akong karapatan.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon