CTBC: Kabanata 4

74.7K 1.7K 86
                                    

WARNING: This story may contain harsh, curse, violent or vulgar words/scenes which are not appropriate to the young readers. Please read at your own risk.

"What are you doing here?" Ulit ni Dior sa tanong nito habang nakakunot ang noo. No'ng hindi ako sumagot ay mabilis itong bumaba ng hagdan para hawakan ako sa braso. Medyo mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin dahilan para mapadaing ako ng mahina. "I'm asking you damn woman!"

"B-bitiwan mo ako. N-nasasaktan ako" wika ko habang pilit na kumakawala sa hawak nito. Lalo namang humigpit ang pagkakahawak nito dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

"I don't care. Can you fucking answer my question?" Galit na tanong pa rin nito sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ito sasagutin lalo na ngayon na pinangungunahan ako ng takot.

"N-nandito a-ako ka-kasi-----"

"She's with me son" singit ni tito Dion na noon ko lang napansin na pumunta palang kusina at ngayon ay pabalik na sa direksiyon ko. May dala na rin itong dalawang tasa ng kape.

"A-anak mo po s-siya?" Gulat na reaksiyon ko na napatingin pa kay Dior na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin. Agad na kumabog ng mabilis ang aking dibdib kaya iniiwas ko na rin ang tingin ko dito.

"Yes iha. Is there any problem here?" Tanong naman ni tito no'ng mailapag nito ang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Dior. Napayuko ako dahil sa tensiyon na lumukod sa akin.

"W-wala po. N-nag-----"

"Are you my dad's woman?" Putol ni Dior sa iba ko pang sasabihin na nagpaangat sa akin ng tingin dito. Nakamaang lang ako dito at hindi alam ang sasabihin. Napansin ko na lalong tumalim ang tingin nito sa akin. Hindi ko ito maintindihan. Tumawa naman ito ng sarkastiko. "I see. A whore woman like you can do anything for the sake of money. Tsk!" May disgusto sa boses na wika pa nito. Pakiramdam ko ay parang may kutsilyong tumusok sa dibdib ko dahil sa sinabi nito.

"Stop it son. She's not my woman, she's our guest" may diin sa boses na suway naman ni tito sa anak nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-ama ang dalawa. Hindi ko rin inaasahan na muli kaming magkikita ni Dior. Sadyang maliit talaga ang mundo at may mga taong iwasan mo man ay paulit-ulit na maglalandas ang mga daan niyo. Napayuko ako at napabuntong-hininga.

"I don't believe you dad---- because you like whore woman. She is your type" Narinig kong wika ni Dior na sinundan pa nito ng nakakainsultong tawa. Pakiramdam ko ay may iba pa itong nais na ipakahulugan sa sinabi nito.

Napakagat-labi ako at napapikit ng mariin upang pigilan ang aking emosiyon. Naninikip na ang aking dibdib at alam ko na anumang oras ay maiiyak na ako. Sinimulan ko na rin kurutin ang mga daliri ko para kontrolin ang aking sarili.

"I told you to stop Ylecander Dior Montemayor!" Mataas na ang tono ng boses na suway ni tito sa anak nito. Halatang nagpipigil lang ito ng galit.

"Tsk! You can't stop me Dion Custodio Montemayor" balewalang wika naman ni Dior sa ama nito.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nagkasalubong ang mga mata namin. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "I don't want to see you here" walang emosiyon na wika pa nito bago ako tinalikuran. Walang imik na sinundan ko nalang ito ng tingin palabas ng bahay.

"I'm sorry iha for my son's rudeness" Pukaw naman sa akin ni tito habang napapabuntong-hininga. Bumaling ako kay tito at hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko na may gusto itong sabihin pero pinili nalang nitong ngumiti. Nararamdaman ko na mayroon itong problema at alam kong tungkol iyon sa anak nito dahil masyado iyong halata para hindi malaman. "Let's take our coffee iha. Come here and seat" Nakangiting akit pa sa akin ni tito na nauna nang umupo sa sofa. Umiling naman ako dito.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon