CTBC: Kabanata 33

55.6K 1.2K 91
                                    


Precious Gem

DUMIKIT ang amoy ng mga ginamit naming rekado ni manang sa aking balat kung kaya't naisipan ko munang pumunta ng aking kwarto para maligo. Nagluluto kasi kami ngayon ni manang ng aming pang-gabihan. Nagpapasalamat ako dahil wala na ang mga chefs at ilan nalang ang natira sa mga guards na binayaran ni Dior.

Isipin ko palang si Dior ay namumula na ang aking pisngi dahil sa ginawa kong paghalik dito kahapon. Nakakahiya! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginawa ko iyon. Nawala nga yata talaga ako sa aking sarili.

Hinubad ko ang suot kong t-shirt dahilan para lumabas ang malaki kong tiyan na dalawang linggo nalang ay limang buwan na. Sabik na akong malaman ang kasarian ng magiging anak ko. Napangiti ako.

"Sweetheart? I bought----sexy"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses na iyon ni Dior mula sa may pintuan. Nakalimutan ko nga palang i-lock iyon.

"A-anong ginagawa mo dito?" Natataranta na tanong ko no'ng malingunan ko ito.

Napansin ko na nakatingin ito sa akin partikular sa tiyan ko. Halata sa itsura nito ang pagkagulat. Pilit kong hinahagilap ang hinubad kong damit pero dahil sa pagkataranta ay nahulog pa iyon. Nakakainis!

"Can I touch it?"

"Huh?" Ano bang sinasabi nito? Lalo akong nataranta. Hindi ko alam kung paano ko pupulutin iyong damit ko lalo na ngayon na hirap ako sa pagyuko.

"Your tummy, sweetheart"

"A-ayoko" Mabilis na sagot ko bago hinigit ang kumot at itinakip iyon sa aking katawan.

Isipin ko palang na hahawakan nito ang balat ko ay bumibilis na ang tibok ng aking puso. Sa mga nakalipas na araw ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Napansin ko ang paglungkot ng mukha ni Dior. "Ok, hindi kita pipilitin. Gusto ko lang sana maramdaman ang magiging anak natin"

Anak natin? Parang hinaplos ang puso ko sa salitang iyon. Sa tingin ko ay tanggap na nito ang pagiging ama. Natuwa naman ako sa kaalaman na iyon. Nakaramdam ako bigla ng konsensiya dahil hindi ko ito pinagbiyan na hawakan ang aking tiyan.

"Ah, eh----"

"By the way, I bought some stuffs for our baby" Nakangiting putol nito sa iba ko pang sasabihin. Inilapag nito ang mga paper bags sa ibabaw ng kama.

Our baby? Talagang inulit pa nito. Wala akong nagawa kundi ang tumitig dito. Nakangiti pa ito habang inaayos ang mga binili nito.

Hindi ako makapaniwala sa mga pagbabago na nakikita ko dito. Dati naman ay magaspang ang ugali nito sa akin, matalas ang dila, parating galit, at walang pakialam sa akin pero ibang-iba na ito ngayon. Malayo na ito sa Ylecander Dior na kilala ko noon. Pero aminin ko man o hindi, mas gusto ko ang Ylecander Dior na nasa harap ko ngayon. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo nito.

"Do you want a kiss, baby?" Bumalik na naman ang mapanukso nitong ngiti.

Biglang bumalik sa ala-ala ko ang ginawa kong paghalik dito kaya naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. "Huh? H-hindi. U-umalis kana nga" Natataranta na sagot ko bago mabilis na pumasok sa loob ng banyo.

Narinig ko pa ang mapanukso nitong tawa sa labas ng banyo. Ramdam ko naman ang sobrang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

"I'll wait you downstairs, sweetheart" Narinig ko pang wika nito bago ang mga yabag nito palabas ng aking kwarto.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon