CTBC: Kabanata 15

66K 1.7K 24
                                    


"Why are you allowing yourself to get hurt?" Basag ni Dior sa katahimikan dahilan para matauhan ako mula sa pagkakatitig ko dito. Bahagya pa akong nakiliti no'ng maramdaman ko na marahan nitong hinigit ang kamay ko para ihipan ang sugat na natamo ko kanina kay inay.

Umayos ako ng upo sa sofa. Nandito kasi kami ngayon sa sala ni Dior para gamutin ang ilang sugat na natamo ko. Yumuko ako no'ng bigla itong tumingin sa akin. "M-mas mabuti na kasing a-ako nalang 'yung masaktan kaysa ako 'yung makasakit---- saka i-inay ko pa rin naman 'yun" sagot ko sa tanong nito habang pigil ang paghinga. Pinigilan ko rin ang aking sarili na maging emosiyonal.

Narinig ko naman ang mahina nitong pag-asik. "Annoying mindset" wika pa nito bago binitiwan ang aking kamay. Nag-angat naman ako ng tingin para pagmasdan ito. Inaayos na nito ngayon ang first aid kit.

"Bakit ba gano'n nalang ang trato sayo ng inay mo?" singit naman ng isang boses. Napatingin ako sa may kusina kung saan naroon si sir Diom at naglalakad na patungo sa direksiyon namin ng kapatid nito. May dala itong tatlong baso na may lamang strawberry ice cream.

Pagkatapos ng eksena sa pagitan namin ni inay at ang biglang pagdating ng magkapatid para iligtas ako, ay dito naman kami sa lugar ni sir Diom napadpad, so condo nito.

No'ng mapansin ni sir Diom na nakatingin ako dito ay natawa ito ng mahina. "I'm sorry miss strawberry, I'm just curious" Natatawang wika pa nito bago inilapag sa harapan ko ang isang baso ng strawberry ice cream. Natakam naman ako bigla. "You can dig in" Dagdag pa ni sir Diom na sumenyas pa na pwede na akong kumain. Napangiti naman ako at sabik na sinimulang kainin iyong ice cream.

"Where's mine?" Narinig ko namang tanong ni Dior sa kapatid nito. Halata sa boses nito na nagtatampo ito sa kapatid dahil siguro ako ang unang inabutan ni sir Diom.

Napatingin ako sa magkapatid. Natatawang inilapag ni sir Diom ang isang baso pa ng strawberry ice cream sa harap ni Dior na ngayon ay masama ang tingin sa kapatid. "Tsk! Take your own ice cream in the future, bro. Don't make me your servant. I'm too handsome for that" Napapailing na wika pa ni sir Diom sa kuya nito.

"My foot is more handsome to your face. Tsk!" Asik naman ni Dior sa kapatid bago sinimulang lantakan ang ice cream na ibinigay ng kapatid nito. Natawa nalang si sir Diom sa inasal ni Dior.

Hindi makapaniwala na pinagmasdan kong mabuti ang paraan ng pagkain ni Dior sa ice cream. Halata sa itsura nito ngayon na masaya ito. Sa ikinikilos nito ngayon, masasabi ko na hindi ito masamang tao. Hindi ko lang maintindihan kung bakit minsan ay iba ang trato nito sa akin.

"Dahil bayarang babae ang tingin niya sayo" sagot ng aking isip. Napabuntong-hininga nalang ako at napa-iwas ang tingin kay Dior. Walang gana na muli ko nalang kinain ang ice cream na nasa aking harapan.

"I'm really curious with your mother, miss strawberry" Basag ni sir Diom sa katahimikan dahilan ng unti-unting pagbagal ng aking pagkain. "I'm sorry. Hindi lang kasi ako makapaniwala na kaya niyang saktan ng gano'n nalang ang anak-----"

"H-hindi niya ako t-totoong a-anak" Putol ko sa iba pang sasabihin ni sir Diom. Napakagat-labi ako para pigilan ang aking sarili na maluha. Narinig ko naman ang pagkahulog ng hawak na kutsara ni Dior.

"What?" Gulat na reaksiyon pa nito.

Ylecander Dior

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon