CTBC: Kabanata 8

70.9K 1.7K 54
                                    


WARNING: This story may contain harsh, curse, violent or vulgar words/scenes which are not appropriate to the young readers. Please read at your own risk.

Precious Gem

MASAYA akong umuwi galing sa aking trabaho. Hindi kasi ako makapaniwala na sa loob lang ng isang araw ay magkakaroon ako ng malaking halaga na alam kong malaking tulong para sa panganganak ko.

"Take this five thousands pesos Precy as down payment for your service" wika ni sir Diom habang inaabot sa akin ang pera. Hindi naman makapaniwala na tiningnan ko lamang iyon.

"M-masyado po itong m-malaki, sir" wika ko naman dito na siya naman talagang tunay. Sa buong buhay ko ay ngayon pa lamang ako makakahawak ng gano'ng kalaking pera. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni sir Diom na ikinatingin ko dito.

"It's ok miss strawberry. You deserve it. Please take this" wika nito bago hinawakan ang aking kamay para ito na mismo ang maglagay no'ng pera sa palad ko. Ngumiti ito sa akin bago ako iniwan. Naiwan naman akong natitigilan.

Napangiti ako matapos maalala ang tagpo kanina. Napatingin ako sa hawak kong eco-bag kung saan nasa loob noon ang ilang gamit para sa magiging anak ko. Naisip ko kasi na magsimula nang bumili ng mga gamit upang mabawasan ang mga isipin ko.

"Sana magustuhan mo ang mga binili ko para sayo anak" Bulong ko habang hinahaplos ang aking tiyan. "Marami pong salamat sa biyaya Lord" Bulong ko pa habang nakatingala sa langit. Nagpapasalamat ako dahil sa trabaho, pera at nabili kong gamit para sa anak ko na nakuha ko ngayong araw. Tunay ngang sa kabila ng mga pagsubok at hirap ay meron at meron pa ring mangyayaring maganda sa buhay mo.

Tahimik at payapa akong nakauwi ng bahay kaya naman napangiti ako. Inilapag ko ang mga pinamili ko sa isang upuan na halos masira na dahil sa kalumaan niyon. Naglakad ako papunta sa silid ni inay pagkatapos para silipin ito kung naroon. Napabuntong-hininga ako no'ng makita ko ang walang laman na silid. Hindi na iyon bago sa akin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay.

Pinakalma ko ang aking sarili para alisin ang labis na pag-aalala para kay inay. Alam ko na hindi maganda ang turing nito sa akin pero hindi ko pa rin maiaalis ang pag-aalala dito dahil nagpapasalamat pa rin ako na binuhay ako nito.

Pagkatapos pakalmahin ang aking sarili ay pinili ko nalang ang  pumunta ng aking silid upang matulog dahil masama rin sa ipinagbubuntis ko ang mapuyat. Nagpakawala pa muna ako ng isang malalim na hininga bago ko dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mga kaluskos na hindi ko alam kung saan nagmumula. Agad akong napabalikwas ng bangon no'ng maalala bigla ang natira kong pera na inilagay ko lamang sa aking damitan.

"Nay!" Gulat na reaksiyon ko no'ng mamulatan ko ang ginagawa ni inay. Masaya ito ngayong nagbibilang ng mga pera na alam ko namang sa akin.

"Ano ba? Bwiset kang bata ka! Sobrang ingay mo!" Galit na asik naman sa akin ni inay bago ito nagsimulang maglakad palabas ng aking kwarto dala ang aking pera.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon