CTBC: Kabanata 32

57K 1.3K 156
                                    


Ylecander Dior

NAPANGITI ako ng bumaling ako sa aking katabing upuan. Naroon si Gem habang mahimbing na natutulog, bahagya pang nakaawang ang bibig nito. Natawa ako ng mahina dahil doon.

Nandito na kami ngayon sa bahay pero hindi pa rin ako lumalabas ng kotse dahil ayoko munang istorbohin ang pagtulog ni Gem. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

"I love you, sweetheart" Bulong ko sa tainga nito pero natawa lang ako ng mahina no'ng tampalin nito ang tainga nito na para bang may dumapo lamang doong lamok. "Tsk!"

Umayos ako ng upo at huminga ng malalim bago isinandal ang ulo sa backrest ng upuan. Ipinikit ko ang aking mga mata pagkatapos.

Hindi pa man ako tuluyang nakakatulog no'ng maramdaman ko naman ang paggalaw ng aking katabi. Imumulat ko na sana ang mga mata ko no'ng maisipan ko na pakiramdaman muna ito.

Naramdaman ko ang pagdampi ng palad nito sa pisngi ko at ang paghaplos nito doon. Pinigilan ko ang sarili ko na gumawa ng kahit na anong reaksiyon. "Ang gwapo talaga ng daddy mo, anak"

Daddy?

Pakiramdam ko ay parang hinaplos ang puso ko sa salitang iyon. Tunay ngang magiging daddy na ako.

Imumulat ko na sana ang mga mata ko no'ng matigilan ako dahil may malambot na bagay na dumampi sa aking labi. Is she kissing me?

"Nakakaadik talaga ang labi mo, Dior" Narinig kong wika nito na tuluyang nagpangiti sa akin. Pakiramdam ko ay kinilig ako sa sinabi nito. The hell!

Nagdilat ako ng mga mata. "Talaga?" May panunukso sa boses na tanong ko dito.

Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa gulat. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng magkabila nitong pisngi. "G-gising ka?" Hindi makapaniwala na tanong pa nito sa akin.

"Yes, baby" Nakangiting sagot ko dito. Hinaplos ko ang kaliwa nitong pisngi. "You are blushing"

Nanatili itong nakatulala sa akin. Napansin ko ang sunod-sunod nitong paglunok ng laway. "Baby?" Pukaw ko dito.

"Wahhhh nakakahiya!" Bigla nitong palirit no'ng makabawi. Nagmamadali itong lumabas ng kotse pagkatapos. Natawa naman ako ng malakas dahil sa reaksiyon nitong iyon.

"By the way, I like your kiss, sweetheart" Pahabol ko dito bago lumabas na rin ng kotse para sundan ito sa loob ng bahay.

Hindi pa rin mawala ang ngiti ko no'ng makapasok ako sa loob ng bahay. Naabutan ko pang patungo ng kwarto nito si Gem na halatang nagmamadali.

"Señorito?" Pukaw sa akin ng isang boses na alam ko namang si manang Besilda.

Bumaling ako dito. "Manang?" Hindi ko napigilan ang muling mapangiti.

Kumunot ang noo ni manang Besilda. "B-bakit parang kinikilig ka, iho?" Pansin nito sa akin dahilan para matawa ako ng mahina.

Napakamot ako sa aking batok. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang muling pagsilay ng aking ngiti. "I can't control myself, manang" wika ko na nagpakunot ng noo nito. Tumawa lang ako ng mahina. "At dahil kayo po ang una kong nakita, bibigyan ko po kayo ng 50,000 bonus, manang" Dagdag ko na nagpamaang dito. 

"Huh?"

Ngumiti lang ako at iniwan na si manang Besilda. Pasipol-sipol na naglakad ako patungo ng aking kwarto. Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili na mapangiti. Tsk!

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon