CTBC: Kabanata 11

72K 1.6K 110
                                    


NAKATAYO ako ngayon sa harapan ni Dior habang ito naman ay nakaupo sa sofa at masama ang tingin sa akin. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok ng laway at pagkurot sa sarili kong mga daliri. Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili pero hindi ko magawa.

"Are you planning to hide my child?" Walang ekspresyon ang mukha na tanong nito sa akin. Napayuko naman ako. "Are you deaf or mute? Answer my fucking question woman!" Nakaasik na tanong pa nito sa akin na nagdulot ng labis na kaba sa akin.

Nataranta ako bigla, hindi ko alam ang dapat kong isagot. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob. Pasimple kong tiningnan si Dior at no'ng mapagtanto ko na nakatingin pa rin ito sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko ay inalis ko ang bara sa aking lalamunan. Bahala na!

"P-paano ko sasabihin kung a-ayaw mo naman na akong m-makita? A-ayaw mo na ngang m-magkasalubong ang landas natin e" Katwiran ko dito na pilit pinapakalma ang aking sarili. Nakaramdam din ako ng labis na takot dahil sa pagsagot ko dito. Hindi ko alam kung ano ang maaari nitong gawin.

"I see" Malumanay na sagot naman ni Dior na siyang nagpakalma sa akin. Lihim akong nagpasalamat dahil hindi ako nito sininghalan. "My fault" Dagdag pa nito na hindi ko naman inasahan mula dito. Ang tingin ko kasi dito ay hindi nito kayang tumanggap ng pagkakamali.

"S-sige po. Aalis na ako" wika ko dito na hahakbang na sana patalikod no'ng muli naman itong nagsalita.

"You'll stay here"

"Po?" Naguguluhan na tanong ko dito habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko no'ng mapagtanto ko na mayroon pala itong mapang-akit na tingin.

Napalunok-laway ako no'ng bigla ako nitong pinaningkitan ng mata. Agad akong nag-iwas dito ng tingin. Pilit ko ring pinakalma ang aking dibdib.

"Mananatili ka dito hangga't hindi ka pa nanganganak" wika nito na nagpamaang sa akin.

"A-ano po ang ibig niyong s-sabihin?" Naguguluhan na tanong ko dito. Umayos ito ng upo sa sofa. Nagdekwatro ito habang nakatitig sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko no'ng ngumiti ito.

"You stay here and you'll live with me" wika nito habang unti-unting nawawala ang ngiti sa labi. Tumayo na rin ito pagkatapos.

"P-pero-----"

"Don't you ever try to escape from me because I will find you no matter what. Keep that to your head" wika pa nito bago tuluyang naglakad paakyat ng hagdan patungo sa kwarto nito. Sinundan ko naman ito ng tingin habang napapaisip sa mga sinabi nito.

––

Nakatulala lang ako ngayon sa bubong ng kwarto na ibinigay sa akin ni Dior. Malaki, maaliwalas, maganda at komportable ang aking higaan pero kahit gano'n ay hindi pa rin ako makatulog dahil siguro hindi ako sanay sa ganitong paligid. Napabuntong-hininga ako.

"Makakatagal ka kaya dito Precious Gem?" Pagkausap ko sa aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay masasakal ako dito sa bahay na ito.

Pinili kong manatili dito dahil naisip ko ang kaligtasan ng aking anak. Masyadong maingay sa squatter area na tinutuluyan ko at delikado rin ako roon dahil kay Kulas. Idagdag pa ang aking inay na parati nalang akong iniistress na alam kong hindi makakabuti sa aking pagbubuntis.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang nanlilisik na mga mata ni Dior at ang nakakakilabot nitong ngiti. Bumilis bigla ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Ipinilig ko ang aking ulo para alisin sa aking isip ang mukha ni Dior at pakalmahin ang aking sarili. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga pagkatapos.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon