CTBC: Kabanata 29

58.1K 1.2K 42
                                    


NAKARATING kami ni Dior sa Montemayor's building ng hindi na ulit ako nito kinibo o inimikan man lamang. At hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa ikinikilos nito. Siguro dahil inakala ko na ayos na kami. Napabuntong-hininga nalang ako.

"We are here" Narinig kong wika nito bago binuksan ang pinto sa tapat ko. Pigil ang naging paghinga ko dahil halos magkadikit kami nito. Amoy na amoy ko ngayon ang gamit nitong pabango na gustong-gusto naman ng ilong ko. Sumenyas ito na pwede na akong lumabas kaya mabilis akong bumaba ng kotse.

Nang makababa ako ay mabilis nitong isinara ang pinto at muli nitong pinaandar ang kotse ng hindi man lamang ako tinitingnan. Hindi ko naiwasan ang mapanguso dahil sa hinanakit na bigla kong naramdaman.

"Hey My lady Precy?" Pukaw sa akin ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko ito kaya naman nakilala ko na si Fabian ang siyang bumati sa akin. Pinakatitigan pa ako nito na para bang inaalam kung totoo bang nasa harapan ako nito. Bahagya akong ngumiti. "Hi"

"Ikaw nga talaga" Tuwang-tuwa na wika nito na mabilis akong inakbayan pagkatapos. "I miss you Precy. Saan ka ba nanggaling? Bakit hindi ka pumapasok nitong mga nakaraang linggo? Is there something happened?" Sunod-sunod na tanong nito habang nakaakbay pa rin sa akin. At dahil nakaakbay ito sa akin ay sabay na rin kami ngayon nitong naglalakad papasok ng gusali. 

"W-wala naman. Hindi lang talaga ako nakapasok" Pagsisinungaling ko dito.

Napansin ko ang pagkunot ng noo nito at ang pag-aaral nito sa kabuuan ko. Tumigil ang paningin nito sa may umbok ko nang tiyan. "Buntis ka?" Gulat na tanong nito.

"H-hindi mo ba alam?" Balik-tanong ko dito. Ang akala ko kasi ay sinabi ni sir Diom ang tungkol sa akin no'ng nagshoot kami. Umiling-iling ito, senyales na wala talaga itong ideya. "Hindi mo ba nahalata no'ng una tayong magkita o no'ng nagpictorial tayo?" Muling tanong ko dito.

Umiling ito at inalis ang pagkakaakbay sa akin. "Haha hindi talaga e. Masyado lang kasi akong nakapokus sa kagandahan mo. Sayang, huli na pala ako" wika nito na tumawa pa ng mahina. Unti-unti rin nawala ang ngiti nito pagkatapos.

Tumingin ito sa akin habang napapakamot sa batok. Hindi ko alam kung tama bang may nakita akong lungkot sa mga mata nito. Tumingala ito sa langit at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Napakunot-noo ako. "A-ayos ka lang ba?" Tanong ko dito na hindi maiwasan ang mag-alala.

"Yes of course. Don't mind me, my lady" sagot nito na tumawa pa ng mahina. Ibinalik nito ang tingin sa akin. "Gusto ko sanang tanungin kung sino 'yung masuwerteng lalaki kaya lang----- that's your private life" wika pa nito na muling tumawa ng mahina.

Natawa nalang din ako ng mahina. Nagpapasalamat ako dahil hindi na nito itinanong pa 'yun dahil hindi ko rin naman alam kung paano iyon sasagutin kung sakali.

"What happened to your arm?" Muling tanong nito na nasa braso ko na pala ang atensiyon.

Binigyan ko ito ng isang alanging ngiti. "W-wala, nasabit lang ako sa kawad" Palusot ko dito.

"Are both of you has no plan to walk fast and go to your work?" Pukaw sa amin ng isang boses mula sa aming likuran.

Sabay kaming napalingon ni Fabian sa nagsalita. Bumungad sa aming harapan si Dior na ngayon ay hindi maipinta ang mukha dahil sa madilim nitong awra.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon