CTBC: Kabanata 31

56.8K 1.3K 53
                                    


TAHIMIK lamang akong nakasunod kay Dior na ngayon ay palabas ng gusali. Mabilis akong nag-iiwas ng tingin sa tuwing binabalingan ako nito. Ang totoo ay tapos na ang pictorial kung kaya't kailangan ko nang umuwi pero hindi ko alam kung saan ako uuwi ngayon. Pagkatapos ng nangyari kanina sa pagitan namin ni inay ay natatakot na akong umuwi pa roon.

"Tsk!" Narinig kong asik ni Dior kaya binagalan ko ang aking paglalakad.

Nararamdaman ko na wala pa rin ito sa mood pagkatapos nitong makita na magka-usap kami ni Fabian kanina. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ito gano'n.

"Are you following me?" Nagulat ako no'ng bigla itong magtanong at bumaling sa akin. Tumigil ako sa paglalakad.

Bumilis ang tibok ng puso ko no'ng magtama ang mga paningin namin. Lumunok ako ng laway para alisin ang bara sa aking lalamunan. "Huh? H-hindi a. A-ang totoo, palabas na rin talaga ako p-para u-umuwi" Saan ako uuwi?

Gusto kong sabihin na isama ako nito pag-uwi. Pero isipin ko palang na pinilit kong lumayo dito noon ay nawawalan na ako ng lakas ng loob. Sa tingin ko ay wala akong karapatan na sabihin iyon pagkatapos kong umalis. Nagsisisi na ako ngayon.

Napansin ko ang pagkunot ng noo nito. "Where?"

"Huh?"

"Saan ka uuwi?" Tanong nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung tama bang nakita ko sa mga mata nito ang pag-asa sa kung anong isasagot ko.

Hindi ko naman naintindihan ang ekspresiyon nitong iyon. Muli akong lumunok ng laway para alisin ang bumura sa aking lalamunan. "W-wala---- wala kang pakialam" sagot ko na agad ko ring pinagsisihan dahil naging malamig ang tingin sa akin ni Dior.

Nag-iwas ito sa akin ng tingin. "Ok. I don't care" wika nito bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng gusali.

Naguguluhan na sinundan ko ito ng tingin. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga pagkatapos. Sumunod na rin ako dito sa paglalakad.

Malapit na kami sa may entrance ng gusali no'ng muli akong matigilan sa paglalakad dahil sa isang babae na ngayon ay agaw-pansin. Nakabuka ang mga braso nito at handang salubungin ang palabas na si Dior. Agad na kumunot ang aking noo.

"My man!" Sigaw nito na mabilis na niyakap si Dior.

Sinubukan rin nitong halikan sa labi si Dior pero sa pisngi tumama ang labi nito pagkatapos iyong iwasan ni Dior. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa mga ito. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay maluluha ako. Nakakaramdam din ako ngayon ng inis sa hindi ko malamang dahilan.

"What the fuck are you doing here, Miss Gomer?" Narinig kong mahina pero madiin na tanong ni Dior doon sa babae.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang matamis na ngiti no'ng babae para kay Dior. "I just missed you, my man"

Sobrang ganda nito. Napatingin ako sa aking sarili, bigla ay nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili.

"Is she Jade Gomer?"

"Are they in a relationship?"

"Bagay sila"

"Yeah. They are both rich after all"

Narinig kong wika ng mga empleyado na ngayon ay napapatingin sa gawi nina Dior. Tama ang mga ito, bagay nga si Dior sa babaeng kausap nito ngayon. Parehas ang katayuan ng mga ito sa buhay. Walang-wala ako kung ikukumpara ako sa babae.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon