CTBC: Kabanata 17

66.6K 1.7K 141
                                    

"Is there any problem?" Salubong na tanong sa akin ni sir Diom no'ng makarating ako sa studio nito. Napansin siguro nito ang pananamlay ko.

"Wala po, sir" sagot ko naman dito na akmang lalampasan na sana ito kung hindi ko lang naalala ang dapat kong sabihin dito. "Ah, sir----"

"Yes?" Agad na sagot naman sa akin ni sir Diom. Alangin na ngumiti ako dito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang dapat kong sabihin. Napabuntong-hininga ako.

"P-pinapasabi po k-kasi ng d-daddy n-niyo po na-----"

"I can't come" Agad na putol ni sir Diom sa iba kong sasabihin. Bigla naman akong nanlumo. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong makialam kung pupunta ang mga ito o hindi.

"S-sige, sir. Ako nalang po ang pupunta----"

"You'll go there?" Nakakunot ang noo na tanong sa akin ni sir Diom. Tumango-tango naman ako. "Ok. I'll go with you" Dagdag pa nito bago ako nilampasan para pumunta sa kinaroroonan ng assistant nito na si miss Khaye. Nakamaang na nasundan ko nalang ito ng tingin.

"Hi Gem" Pukaw naman ng isang boses mula sa aking likuran.

Napalingon ako sa nagsalita. Napakunot-noo ako no'ng tumambad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng lalaking nakilala ko sa oval.  "Fabian" Mahinang usal ko sa pangalan nito na lalong nagpangiti dito.

"You still remember me" wika nito na akmang aakbay sana sa akin kung hindi lamang mayroong nagsalita mula sa likuran ni Fabian.

"What are you doing here?" Baritonong boses na tanong ni Dior kay Fabian na siyang dumating.

"Good morning, sir"

"Hello, sir"

"What brought you here, bro?" Narinig ko namang tanong ni sir Diom sa kapatid nito.

Hindi sumagot si Dior kaya napatingin ako dito. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi no'ng mapansin ko na nakatitig ito sa akin. "Did you brought this man?" Tanong nito sa akin na alam ko namang si Fabian ang tinutukoy. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa akin. Napalunok-laway naman ako dahil sa pagkailang.

"H-hindi-----"

"Ako ang nagpapunta sa kanya dito, kuya. I hired him as my model" sagot naman ni sir Diom sa kapatid nito. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkunot ng noo ni Dior. "By the way, akala ko ba ay may business trip ka?" May makahulugang ngiti na tanong pa nito sa kapatid. Narinig ko naman ang mahinang pag-asik ni Dior.

"I cancelled it" walang emosiyon na sagot ni Dior.

Napansin ko naman ang pag-iling-iling ni sir Diom bago ito bumaling sa amin ni Fabian at ngumiti. "Let's start" wika nito sa amin.

"Let's go Gem" Narinig kong wika ni Fabian bago ko naramdaman ang isa nitong braso sa aking balikat. Bahagya naman akong nagulat sa ginawa nito dahilan para mapatingala ako dito. Ngumiti pa ito no'ng magkasalubong ang mga mata namin. "You damn gorgeous" usal pa nito.

"Tsk! Touching her is not required asshole"  Asik ni Dior bago tinaplig ang braso ni Fabian na nakapatong sa aking balikat. Nakamaang na nasundan ko nalang ito ng tingin na ngayon ay paupo na sa isa sa mga upuan na naroon.

"Hindi ka pa ba aalis, brother?" May pang-aasar sa boses na tanong pa ni sir Diom sa kuya nito. Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko alam kung anong meron sa dalawa.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon