CTBC: Kabanata 6

74.1K 1.8K 82
                                    


Precious Gem

KINAKABAHAN ako no'ng tumapat ako sa pintuan kung saan kukunan ako ng mga litrato. Wala kasi akong ideya sa pagiging modelo.

Hindi ko rin maiwasang mailang dahil sa mga matang nakasunod sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mga iyon lalo na't alam ko na pinapasadahan ako ng mga ito ng tingin mula ulo hanggang paa dahil sa kasuotan ko ngayon. Isang simpleng damit at pantalon na halos pakupas na ang kulay.

Napayuko pa ako sa suot kong tsinelas na manipis na dahil halos araw-araw ko iyong suot. Napakagat-labi ako dahil sa katotohanan na muka akong basahan. Napabuntong-hininga ako.

"Who is she?"

"Is she a beggar?"

"Who let her in? Tsk!"

"She is so stinky"

Ano bang sinasabi nila? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga tao sa aking paligid pero alam ko na hindi maganda ang lumalabas sa mga bibig ng mga ito. Tinakasan ako bigla ng lakas ng loob kaya naman sinimulan ko nang maglakad patalikod.

"H-hindi tayo nababagay dito anak" Bulong ko sa aking sarili habang hinahawakan ang aking tiyan na nararamdaman ko na bahagya nang lumalaki dahil mag-aapat na buwan na rin akong buntis.

"Where are you going Miss San Isidro?" Tanong ng isang boses mula sa aking likuran dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Muli akong humarap sa pinanggalingan kong pintuan kanina. Nakita ko mula roon si sir Diom habang nakakunot ang noo at nakatingin sa direksiyon ko.

"A-ah eh-----" Napatingin ako sa paligid dahil sa mga empleyado na nakatingin sa amin ni sir Diom. Nasa mukha ng mga ito ang pagdududa.

"What's her relationship with sir AD?"

"Who is she? How did she know our boss?"

"Stop mingling ladies. Back to your work. Tsk!" Suway ni sir Diom na noon ko lang napansin na nakatingin na rin sa mga empleyado. Halata sa ekpresiyon nito ngayon ang pagkainis.

"S-sorry sir" Paumanhin naman ng mga empleyado bago natatarantang bumalik sa trabaho ng mga ito.

"And you miss San Isidro?" Baling naman sa akin ni sir Diom. Walang ekpresiyon ang mukha nito kaya naman nakaramdam ako bigla ng kaba.

Naninabago ako ngayon sa ikinikilos nito. Ang naaalala ko kasi ay ayos naman kami no'ng una kaming nagkita at inakala ko pa na mabait ito sa akin. Nagkamali siguro ako ng pagkakakilala dito. Napayuko nalang ako. "Tsk! Don't be scared miss San Isidro. I'm just having tantrums with you because I've waited you so long" wika ni sir Diom na ikinatingin ko dito. Napamaang ako no'ng makita ko ang maganda nitong ngiti.

"H-hindi ka g-galit sir? P-paumanhin po pala kung hindi agad ako nakapunta kahapon" usal ko habang napapayuko. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Bahagya pa akong napapitlag no'ng maramdaman ko na ginulo nito ang aking buhok.

"I'm not mad miss strawberry" Nakangiting sagot nito. Hindi ko napigilan ang pagsilay ng aking ngiti dahil sa itinawag nito sa akin. "Let's get inside" Dagdag nito bago itinuro ang papasok sa silid. Agad naman akong naglakad papasok doon.

Nang makapasok kami sa loob ng silid ay agad akong namangha dahil sa ganda no'n. Maraming ilaw at camera ang naroon gano'n din ang iba't-ibang kasuotan na sa palagay ko ay para sa mga modelo na sa mga oras na iyon ay kinukunan ng mga litrato. Muli ay nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili dahil sa mga sopistikado at sopistikadang modelo na nasa aking harapan.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon