CTBC: Kabanata 24

59.1K 1.3K 46
                                    


Precious Gem

HINDI ko mapigilan ang mga luha na patuloy na kumakawala sa aking mata. Hindi ko rin maiwasan ang pagsinghot. "Sinabi ko naman sayo na ako nalang anak e" wika ni inay Besilda na akmang kukunin na sa akin ang hawak kong kutsilyo.

"Ayos lang po ako inay, sanay na po akong masaktan" wika ko dito bago ipinagpatuloy ang paghihiwa ng mga sibuyas para sa lulutuin naming hapunan. Natawa naman bigla si inay sa sinabi ko.

"Haha loko kang bata ka. Hindi ko akalain na may kapilyahan ka rin palang taglay" saad ni inay bago muling bumaling sa kawali na nasa harapan nito. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pa sa akin tumulong, baka magalitan ako ni señorito kapag nalaman niyang pinapakilos kita" Dagdag pa nito habang napapailing.

Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi ni inay. Sa totoo lang ay sobrang bagot na ako at lalo akong nakakaramdam ng inis kay Dior habang lumilipas ang araw dahil pakiramdam ko ay isa akong preso na nakakulong sa bahay nito. Ganito nalang ba talaga ang buhay ko? "N-nakakainis" Hindi ko na napigilan ang emosiyon ko at tuluyan na akong napahagulgol.

"O b-bakit ka umiiyak a-anak?" Nataranta naman bigla na tanong sa akin ni inay Besilda na hindi rin alam kung ano ang gagawin.

Sinubukan kong pahirin ang luha ko gamit ang aking kamay pero lalo lang akong napaluha no'ng maramdaman ko ang katas ng sibuyas sa aking mata. "H-hindi ko rin po a-alam, inay. A-ang totoo po kasi ay masyado po akong e-emosiyal nito mga nakaraang araw" Pag-amin ko kay inay Besilda habang patuloy na pinapahid ang mga luha.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni inay. Lumapit ito sa akin para hagudin ang aking likod. "Naiintindihan kita, anak. Marahil ay dala lamang iyan ng pagbubuntis mo"

"S-siguro nga po, inay" Pagsang-ayon ko naman dito. Muli ko naman narinig ang pagbuntong-hininga ni inay.

"Magpahinga ka muna, anak. Baka dala na rin iyan ng pagod" wika pa nito kaya napatango -tango ako.

Sinimulan ko na rin pakalmahin ang aking sarili. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. Lihim akong umusal ng pasasalamat dahil nagtagumpay akong patigilin ang mga luha ko. Maglalakad na sana ako palabas ng kusina no'ng mapatingin naman ako sa mga niluluto ni inay.

"P-pero----" Itinuro ko ang ginagawa kong paggagayat ng mga sibuyas at patatas.

"Ako na ang bahala dito, anak. Huwag kanang mag-alala pa" wika ni inay kaya muli akong napatango-tango. Lumabas na rin ako ng kusina pagkatapos.

Nang makalabas ako ng kusina ay naabutan ko naman sa sala ang limang guwardiya. Nakapwesto ang mga ito sa mahabang sofa habang nanonood ng grizzy and the lemmings at nagtatawanan. Napakunot-noo ako dahil parang mga bata ang mga ito.

"Gago!"

"Hahaha uto-uto ang potek!"

"Ang bobo naman"

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon