CTBC: Kabanata 23

61.4K 1.4K 101
                                    


NAG-UNAT ako ng mga braso habang dahan-dahang bumabangon sa aking higaan. Napangiti ako dahil sa gaan ng aking pakiramdam. Hindi ko nga alam kung bakit parang ang ganda ng gising ko ngayon.

"Gising na po pala kayo, ma'am" Pukaw sa akin ng isang boses kaya naman mabilis akong nagmulat ng mga mata.

Napakunot-noo ako no'ng bumungad sa aking harapan ang isang matandang babae na ngayon ay may hawak na isang tray na puno ng pagkain. Naguguluhan na inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Agad na nag-init ang magkabila kong pisngi no'ng mapagtanto ko na nasa kwarto pa rin ako ni Dior at nasa ibabaw ako ngayon ng kama nito. Anong nangyari?

"Ako nga pala si manang Besilda, ma'am" Muling pukaw sa akin ni manang kaya bumalik ang atensiyon ko dito.

"Ma'am? Ay n-nako! H-hindi po ako ma'am----- a-ang ibig ko pong sabihin ay h-huwag niyo na po akong tawaging ma'am, nay" Natataranta na wika ko naman kay manang. Napansin ko na natigilan ito bigla. Nagtaka naman ako dahil hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali. "B-bakit po?"

"W-wala po, ma'am. N-natutuwa lang ako kasi tinawag niyo akong nay" wika nito na halos ibulong nalang ang huling salita. Napangiti naman ako.

"Huwag niyo na po akong tawaging ma'am, nay"

"Pero 'yun ang utos sa akin ni señorito, ma'am. Baka gali-----"

"Huwag niyo na po 'yung alalahanin, nay" wika ko na ngumiti pa dito. Nginitian din ako nito pero nasa itsura pa rin ni inay ang pag-aalangan.

"Sige, a-anak?" May pag-aalangan sa boses na tanong pa nito sa akin. Ngumiti naman ako hudyat na nagustuhan ko ang pagtawag nito sa aking anak. "Ay ito nga pala ang pagkain" wika pa ni inay bago lumapit sa akin para ilapag sa lamesa na nasa gilid ng kama ang dala nitong pagkain.

"P-po? Pasensiya na po, nay---- p-pero baka nagkakamali lang po kayo. H-hindi po sa akin 'yang pagkain dahil hindi po dito ang kwarto ko, k-kay sir Dior po ito" Paliwanag ko kay inay Besilda dahilan para matawa ito ng mahina.

"Hindi, para sayo talaga 'yan, anak. Ipinahanda 'yan sa akin ni señorito" wika naman ni inay dahilan para maalala ko si Dior at ang nangyari kagabi kung saan magkatabi kami nitong natulog.

"N-nasaan po pala s-siya, nay?" Nag-aalangan at kinakabahan na tanong ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mapanuksong tingin ni inay kaya naman nag-init ang magkabila kong pisngi. "G-gusto ko lang po malaman" Nahihiya at may pagsisisi na depensa ko.

"Nasa isa siyang business gathering ngayon, anak. Hindi kana daw niya ginising dahil mukang napasarap daw ang tulog mo dahil katabi mo siya" sagot ni manang na lalong nagpainit sa magkabila kong pisngi.

"S-sinabi niya po talaga 'yun, nay?" Paninigurado ko pa. No'ng tumango si inay ay wala na akong ibang naging reaksiyon kundi ang mapamaang.

"Sige, anak. Balik na ako sa trabaho ko. Kainin mo 'yang mga inihanda ko huh?" wika pa ni manang bago ito tumalikod sa akin para maglakad palabas ng kwarto.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon