CTBC: Kabanata 39

52.8K 1.2K 76
                                    


"A-anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko kay Dior no'ng bigla nalang itong tumabi sa akin.

Pagkatapos ng nangyari sa dalampasigan ay agad rin kaming umuwi ni Dior at ngayon nga ay nandito na ako sa aking kwarto. Hindi ko naman maintindihan kung bakit narito din sa kwarto ko ang lalaking ito.

"I'm gonna sleep here, sweetheart" Balewalang sagot nito bago hinigit ang aking kumot para masakop ito. Sinimulan na rin nitong umisog palapit sa akin.

Nang maramdaman ko ang balat nito ay agad na nataranta ang buo kong sistema.

Napalunok-laway ako. "B-bakit dito ka matutulog? M-may sarili ka naman kwarto a"

Imbes na sagutin agad ang aking tanong ay sumiksik pa muna ito sa akin. Niyakap ako nito at isinubsob ang mukha sa may leeg ko. Napalunok-laway na naman ako.

"I want beside my girlfriend" wika nito bago ko naramdaman ang pagdampi ng labi nito sa aking leeg. Hindi na naman mapakali ang aking puso dahil sa bilis ng tibok niyon. "I want to cuddle you, sweetheart" Dagdag pa nito bago hinawakan ang aking pisngi para iharap sa kanya.

Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa mukha ko hanggang sa maramdaman ko ang pagtatagpo ng aming mga labi. Noong una ay padampi-dampi lamang iyon hanggang sa unti-unti na rin iyong lumalalim. Nadala ako sa ginagawa nito kung kaya't humarap pa ako dito para lang tugunin ang halik nito.

Nang maramdaman ko na nagsisimula nang maglakbay ang kamay nito sa katawan ko ay parang noon lamang ako nagising. Bahagya ko itong itinulak palayo.

"B-bawal" Nauutal at hindi makatingin sa mga mata nito na paalala ko dito.

Tumigil ito sa paghalik sa akin at pinakatitigan ang aking mukha, hinihingal pa ito. Tumawa ito ng mahina pagkatapos. "I-I'm sorry, sweetheart. I'm just carried away" wika pa nito bago ako mahinang hinigit sa braso para mapaunan ako sa bisig nito. Kuntentong niyakap nalang ako nito. "I love you, sweetheart" Bulong pa nito sa may tainga ko.

Hindi ko alam ang isasagot kung kaya't iniiwas ko nalang ang tingin ko dito. Hindi pa rin ako kalmado sa ginawa nito. "Ah----"

"Say you love me too, sweetheart"

"Huh?"

"I want to hear it"

"P-pero----"

"Hmm?" Naramdaman ko ang pagsubsob ng mukha nito sa leeg ko. Alam ko na inaantok na ito.

"Alam mo na 'yun"

Narinig ko ang pagpapakawala nito ng isang malalim na hininga. "Ok, no----"

"I love you too" Putol ko sa sinasabi nito dahilan para gumaan ang aking pakiramdam dahil sa wakas ay nasabi ko na rin dito ang tunay kong nararamdaman.

Nag-angat ito ng katawan para dungawin ang mukha ko. Mabilis ako nitong hinalikan sa noo habang may maganda itong ngiti sa labi. "Sounds music to my ears. I want to hear it again"

Nag-iwas ako dito ng tingin. "N-next time nalang ulit" Nangingiti na wika ko naman.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "Ok, sweetheart"

Ang akala ko ay aayos na ito ng higa pero nagkamali ako dahil nanatili pa ring nakatukod ang isa nitong kamay sa gilid ng aking baywang. Muli akong napatingin dito. Napansin ko na nakatitig pa rin ito sa akin.

"A-anong nasa isip mo?" Nakakunot ang noo na tanong ko dito. Kinabahan naman ako no'ng sumilay ang pilyo nitong ngiti.

"Nawala ang antok ko, sweetheart. Gawin kaya nating kambal ang anak natin?" Tanong nito na nagpamulaga ng mga mata ko.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon