CTBC: Kabanata 19

64.3K 1.5K 48
                                    


Precious Gem

NAPAHAWAK ako sa aking sentido no'ng maramdaman ko ang pagkirot niyon. Agad akong nagmulat ng mga mata no'ng maalala ko ang mga nangyari kanina.

Bumungad naman sa aking paningin ang puting silid at ilang mga kagamitan sa ospital kaya naman napabuntong-hininga ako. "Nasa ospital na naman ako" usal ko sa aking sarili.

"Gising kana pala" Bungad ng isang boses mula sa may pintuan kaya napatingin ako roon.

Bahagya pa akong napakunot-noo no'ng mapansin ko na nakangiti si Dior na ngayon ay papalapit sa akin. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata upang alamin kung namamalikmata lang ba ako sa aking nakikita.

"I brought some food for you" wika pa nito bago inilapag sa maliit na lamesa na nasa gilid ng aking higaan ang isang tray na may lamang pagkain. Hindi makapaniwala na napamaang ako dito. "Is there something wrong?" Tanong nito no'ng magkasalubong ang mga mata namin. Kumunot pa ang noo nito.

Pinindot ko gamit ng isa kong daliri ang pisngi ni Dior para alamin kung nananaginip lamang ba ako. No'ng maramdaman ko ang balat nito ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Hindi ito isang panaginip!

Mabilis akong tumagilid ng higa para matakasan ang mga tingin nito sa akin. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa kaya naman napakagat-labi ako. "What's wrong?"

Hindi ako sumagot sa tanong nito dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Nanatili akong nakatalikod at hindi ito pinapansin. "Tsk!" Narinig kong asik nito kaya naman nagsimula na naman akong kabahan. Sa tingin ko ay nagsisimula na naman itong mainis sa akin. "I forgot your water. I'll get some for you" Dagdag nito dahilan para muli akong mapakunot-noo dahil masyadong malumanay ang boses nito, malayo sa nakasanayan ko.

No'ng maramdaman ko na tumayo na ito ay gumaan bigla ang aking pakiramdam. "Babalik din agad ako" wika pa nito bago inayos ang aking kumot. Pigil ang aking naging paghinga. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nito.

"Anong ginagawa nito?" Naguguluhan na tanong ko sa aking sarili.

No'ng marinig ko ang pagsara ng pintuan ay agad akong umayos ng higa at bumaling doon. Sa wakas ay nakahinga rin ako ng maayos. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos nito ngayon. Napabuntong-hininga ako pagkatapos.

"Gago ka! Gago ka! Hindi porket mayaman ka ay p-pwede mo nang g-gawin ito sa akin---- n-na pwede mo na akong tingnan paibaba. N-nagtatrabaho ako pa-para sa m-magiging a-anak ko----- p-para sa m-magiging anak NATIN! OO! Nagpabayad ako sayo ng g-gabing iyon p-pero m-may d-dahilan ako at hindi ibig-sabihin na nagpabayad ako sayo ay i-isa na akong b-bayarang babae na walang ibang a-alam g-gawin kundi ang lumandi. N-nagtatrabaho ako, h-hindi naman l-lumalandi. At ito ang t-tandaan mo, i-ikaw lang 'yung lalaking hinayaan kong pumasok sa buhay ko, ikaw lang----kaya h-huwag kang g-gago" Biglang pumasok sa aking ala-ala kaya naman mariin akong napapikit. Bigla akong nakaramdam ng pagkabalisa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin matapos ang ginawa kong pagsagot at pagsigaw kay Dior. Patay!

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon