CTBC: Huling Kabanata

57.4K 1.2K 128
                                    


NAKANGITI ako habang hinahaplos ang pitong buwan ko nang tiyan. Dalawang buwan. Dalawang buwan nalang ang hihintayin namin ni Dior para makita namin ang baby Glecander Gemor namin.

Tinanaw ko ang papalayong si Dior na ngayon ay patungong parking lot, nandito kasi kami ngayon sa ospital para sa checkup. Natutuwa naman ako sa naging resulta ng aking checkup dahil malusog naman daw ang anak ko, ang sabi ni doc.

"Ang gaga mong bata ka! Wala kang utang na loob! Hayop ka!" Pukaw sa akin ng isang boses. Agad na nawala ang aking ngiti.

Nanlaki ang mga mata ko no'ng makita ko si inay na ngayon ay palapit sa akin. Mababanaag sa mukha nito ang sobrang galit. Agad na sumikbo ang kaba sa aking dibdib. Napahawak ako sa aking tiyan. Hindi ako natatakot para sa sarili ko kundi sa anak ko.

Maglalakad na sana ako palayo dito pero huli na ang lahat dahil nagawa na nitong higitin ang aking buhok. Mabilis na tumulo ang aking luha dahil sa kirot na aking naramdaman sa pagkakasabunot nito sa akin. "I-inay"

"Hayop ka! A-ang kapal ng mukha mong bwiset ka! W-wala kang utang na loob. Ang lakas ng loob mong ipakulong ako!" Paulit-ulit na sigaw nito habang sinasabunutan ako.

"I-inay! B-Bitiwan niyo po ako! N-nasasaktan ako" Pagmamakaawa ko dito habang sinusubukan itong itulak palayo. Pero mas naging masigasig itong saktan ako.

"Wala akong pakialam! Bwiset ka! Wala kang kwenta! Hayop ka! W-walang kang utang na loob!" Sigaw nito na para bang nawawala na ito sa sarili.

Binuhos ko lahat ng aking lakas para maitulak ito palayo sa akin. Nang magtagumpay ako ay umiiyak na hinarap ko ito. Sobrang sakit ng anit ko dahil sa pananabunot nito gano'n din ang braso ko dahil naman sa mga kalmot nito.

"T-tumigil na kayo nay! H-hindi pa ba kayo napapagod sa ginagawa niyo? Sobra kana nay e. K-kung makukulong ka, 'yun--- yun ay hindi dahil sa akin kundi d-dahil sa mga kasalanan niyo. Hindi ako 'yung walang kwenta nay, hindi ako 'yung bwiset at hayop dito kundi---- kundi ikaw" Hindi na nakatiis na wika ko dito. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

Hindi naman makapaniwala na tiningan ako nito. Kinuha kong pagkakataon ang bahagya nitong pagkatulala para talikuran ito.

Bahagya akong napanatag no'ng matanawan ko ang papalapit na kotse ni Dior. Naaninag ko na rin ang mukha nito mula sa bintana ng kotse. Kapansin-pansin ang nakakunot nitong noo habang nakatingin sa likuran ko. Marahil ay nakikita nito si inay. Sinusubukan kong maglakad ng mabilis para makalayo kay inay kahit nakakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking tiyan.

"D-Dior?" Usal ko sa pangalan ni Dior na ngayon ay nagmamadaling bumaba ng kotse. Napakunot-noo ako.

"Shit!"

"Hayop kang bata ka! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng hindi maganda. Bwiset ka!" Sigaw ng isang boses mula sa aking likuran.

Hindi pa man ako nakakalingon ay nanlaki na ang mga mata ko at agad na sumalakay ang takot sa aking dibdib no'ng maramdaman ko ang pagtulak sa akin. Mabilis akong napahawak sa aking tiyan nang maramdaman ko ang unti-unti kong pagbulusok.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon