CTBC: Kabanata 10

74.2K 1.7K 66
                                    


HUMIGPIT ang hawak ko sa braso ni Dior para kumuha ng lakas mula dito. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan dahil sa sobrang takot. Hindi ko pa rin mapigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Muntik na! Naramdaman ko naman ang marahang pagpisil ni Dior sa aking braso dahilan para kumalma ako ng bahagya.

"At sino naman siya huh Precy? Mukang mayaman ah. Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong magpagamit sa akin? Mas malaki ba siya magbayad?" Narinig kong tanong ni Kulas na noon ko lang napagtanto na naroon pa rin pala. Humigpit pang lalo ang pagkakahawak ko sa braso ni Dior. Mariin ko ring ipinikit ang mga mata ko para alisin ang takot na lumulukod sa buo kong pagkatao.

"U-umalis na t-tayo" Nanginginig ang boses na bulong ko kay Dior pero parang wala itong narinig.

"Fucking asshole!" Narinig kong galit na wika ni Dior bago ko naramdaman ang pag-alis nito sa mga kamay ko na nakahawak sa braso nito.

Nagulat pa ako no'ng mabilis itong umalis sa tabi ko para sugudin ng suntok si Kulas na nagulat din sa ginawa nito. Napamulaga ako no'ng makita kong nakahandusay sa lupa si Kulas at walang malay. "Fucking weak!" Sigaw pa ni Dior bago balewang pinagpagan ang mga kamay. Sumikbo ng mabilis ang puso ko no'ng ngumisi ito ng nakakatakot. Bahagya pa akong napaatras dahil doon.

Nang lumingon ito sa akin ay unti-unting nawala ang ngisi nito. Napalitan iyon ng walang ekpresiyon na mukha. "Tsk!" Asik lang nito sa akin.

"Sino ba ang nag-iingay diyan huh? Mga istorbo sa tulog!" Galit na wika ng isang boses bago sunod-sunod na nagbukas ang mga ilaw sa mga bahay. Narinig ko pa ang mga pagdadabog ng mga tao senyales na galit ang mga ito dahil sa nabulabog ang pagtulog.

No'ng mapansin ko na iilawan na kami no'ng mga tao ay mabilis kong hinigit ang braso ni Dior para ilayo ito roon. Natakot ako na baka bugbugin pa ito ng mga tao lalo na't naroon si Kulas at nakahandusay. "What are you doing?" Tanong sa akin ni Dior na halata sa boses ang pagkainis. Hindi ko ito pinansin at patuloy lang itong hinigit palabas ng squatter area. Narinig ko ang mahina nitong pag-asik.

"M-makakaalis kana sir. S-salamat po sa tulong" wika ko kay Dior no'ng tuluyan na kaming nakalabas ng squatter area. Binitiwan ko na rin ang braso nitong hawak ko kanina.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi no'ng maiwan sa ere ang mga braso ni Dior at nanatili itong nakatingin doon habang nakamaang. "Galit ba ito dahil hinawakan ko ito?" Bulong ko sa sarili na hindi naiwasang makaramdam ng kaunting kaba dahil baka kung ano ang sabihin nito sa akin. "P-pasensiya na po kayo sir" Paumanhin ko dito na napayuko pa.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito at ang mahinang pag-asik. Napansin ko rin na ibinaba na nito ang braso na hinawakan ko. "B-babalik na po ako sir" wika ko bago nagsimulang maglakad pabalik sa loob ng squatter area. Hindi ko na ito pinag-aksayahang tingnan pa.

"Stop"

Napatigil ako sa paghakbang no'ng marinig ko ang boses na iyon ni Dior. Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam kung bakit ako nito pinapatigil. Dahan-dahan ko itong nilingon. "B-bakit sir?"

Imbes na sagutin ang tanong ko ay lumapit sa akin si Dior para hawakan ang aking kamay at higitin iyon. "S-saan tayo sir?" Kinakabahan na tanong ko dito pero parang wala itong narinig. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko no'ng ipasok ako nito sa kotse nito. Sinubukan kong lumabas ng kotse nito pero nagulat ako no'ng bigla nitong i-lock ang pinto ng kotse.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon