CTBC: Kabanata 16

65.6K 1.5K 69
                                    


Precious Gem

MADILIM na silid ang tumambad sa aking paningin no'ng magising ako. Agad akong naghagilap ng ilaw upang alamin kung saang lugar ako naroon. Napakunot-noo ako no'ng lumiwanag ang paligid at mapagtanto ko na nasa silid ako na ibinigay sa akin ni Dior sa bahay nito. Bakit nandito na ako?

Mabilis akong bumangon sa higaan at lumabas ng kwarto. Pababa palang ako ng hagdan no'ng matanaw ko naman ang kapapasok lang na si Dior sa pinto. Napakunot-noo ako dahil hindi ko alam kung saan ito maaaring pumunta sa ganitong oras. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at napagtanto ko na alas-kwatro na ng madaling araw.

"You awake" Pagod na wika pa nito bago pasalampak na nahiga sa mahabang sofa at ipinikit ang mga mata.

"Saan ka galing?" Gusto kong itanong dito pero pinili ko nalang ang manahimik dahil baka kung anong reaksiyon lang ang makuha ko dito.

No'ng mapansin ko na hinihilot nito ang sentido ay napabuntong-hininga ako. Unti-unti akong lumapit sa direksiyon nito at lakas loob na umupo sa may ulunan nito. Huminga ako ng malalim. "H-hilutin ko lang s-sentido mo, s-sir" Kinakabahan na wika ko pa dito.

No'ng wala akong nakuhang anumang reaksiyon mula dito ay sinimulan kong hilutin ang sentido nito. Pigil ang paghinga ko habang ginagawa iyon sa takot na magalit ito sa akin.

Nang magmulat ito ng mga mata ay agad akong tumigil sa aking ginagawa. "S-sorry, sir" Paumanhin ko dito na tatayo na sana no'ng matigilan naman ako dahil bigla itong umisog upang gawing unan ang kandungan ko. Nabigla ako sa ginawa nito.

"Please continue" Malumanay ang boses na utos nito sa akin na titigan pa muna ako sandali bago muling ipinikit ang mga mata. Ilang segundo rin akong natigilan sa ikinilos nito.

"May nangyari bang maganda?" Hindi ko napigilang itanong sa aking sarili. Lihim nalang akong napangiti bago muling bumalik sa ginagawa.

"I-I'm s-sorry" Mahinang usal nito na nagpakunot sa aking noo. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o nabingi lamang ako.

"Huh?"

"I'm sorry for b-being rude" wika nito sa mahinang tinig. Natigilan naman ako dahil hindi ko inasahan mula rito na hihingi ito ng tawad sa akin. Hindi ganitong klaseng Dior ang kilala ko.

"Nananaginip ba ako?"

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Dior. Napansin ko na tuluyan na itong sinakop ng antok at pagod. Napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko alam kung paano ako tatayo para umalis. Nakapatong pa rin kasi sa kandungan ko ang ulo nito. Huminga ako ng malalim at isandal nalang ang likod sa sofa.

Naamlimpungatan ako no'ng marinig ko na mayroong tumikhim ng mahina. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napansin ko ang nakatayong bulto sa aking harapan pero hindi pa malinaw ang imahe nito. No'ng tuluyan akong magmulat ng mata at makilala ang nakatayo sa aking harapan ay agad akong napabalikwas ng bangon. Mataas na ang sikat ng araw.

"T-tito D-Dion?" Gulat na reaksiyon ko no'ng makilala ko ang daddy ni Dior. Nakangiti ito sa akin at para bang may panunukso pa sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Napakunot-noo naman ako.

"Ah!"

Nawala ang atensiyon ko kay tito at nalipat iyon sa may sofa kung saan galing ang pagdaing. Nanlaki ang mga mata ko no'ng makita ko sa lapag si Dior at hirap sa pagtayo. Nakalimutan ko na nakaunan nga pala ito sa akin at marahil nahulog ito no'ng bigla nalang akong tumayo.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon