CTBC: Kabanata 26

59.2K 1.3K 50
                                    

NAKAUPO lang ako ngayon sa sofa habang pinagmamasdan ang mga guwardiya na nakapwesto ngayon sa iba't-ibang parte ng bahay. Napabuntong-hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang magpaalam kay Dior dahil sa isang dahilan.

Tumingin ako sa gawi ni Dior na ngayon ay nakaupo sa single sofa na malapit lang din sa akin. Nagbabasa ito ng news paper habang umiinom ng kape.

"A-ah ta----" Napatigil ako sa pagsasalita dahil tumutok ang paningin ko sa labi ni Dior na lumapat sa labi ng hawak nitong tasa. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang paggalaw ng adams apple nito sa paglunok nito ng kape. Nagwala na naman ang puso ko dahil sa bilis ng pintig niyon.

Ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi ko magawang makapagpaalam dito ay dahil bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tumitingin ako dito. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko.

Nakakunot na bumaling sa akin si Dior. Binasa ko ang labi ko sa pamamagitan ng pagdila ko roon. Pakiramdam ko kasi ay natatakam akong lasahan ang labi nito. Nang mapagtanto ko na nakatingin na sa akin si Dior ay agad akong napalunok-laway at nag-iwas dito ng tingin. Ano bang iniisip ko?

"Do you want a kiss, sweetheart Gem?" May panunukso sa boses na tanong sa akin ni Dior na lalong nagpabilis sa tibok ng aking puso.

Kung dati ay natatakot ako sa pagiging arogante nito, ngayon ay mas lalo akong natatakot sa nakikita kong pagbabago nito. Natatakot ako sa pagiging malambing nito at malapit sa akin. At mas natatakot ako sa nararamdaman ko ngayon.

"H-huh? Hindi a" Depensa ko na sinalubong ang tingin nito at pilit pinapakalma ang sarili na sagot ko dito. Inirapan ko rin ito para iparating dito na hindi ako apektado sa tanong nito.

Tumawa naman ito ng mahina na para bang nawili pa ito sa ginawa kong pag-irap dito. "You look lovely, sweetheart" Nang-aasar ang tinig na wika nito. "So what's up? Do you need something from me?" Nakangiting tanong pa nito pagkatapos.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "G-gusto ko lang sana magpaalam" sagot ko na nagpawala ng ngiti ni Dior. Kumunot ang noo nito.

"Where are you going?"

"S-sa labas. Sa trabaho ko"

Tumawa ito ng mahina. "Tsk! With that Fabian Lopez?" Madilim ang mukha na tanong nito. Ako naman ang napakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan kung bakit galit ito habang binabanggit ang pangalan ni Fabian.

"Huh?"

"No"

"A-ano?" Naguguluhan na tanong ko.

"I said no. I can't allow you to go outside. You stay here" wika nito na tiniklop na ang binabasang news paper. Tumayo ito pagkatopos. "I have work to do" Dagdag pa nito na nagsimula nang maglakad palabas ng bahay. Nataranta naman ako bigla. Hindi ito pwedeng umalis hangga't hindi ito pumapayag na lumabas ako.

Sumunod ako dito sa paglalakad. "B-bakit ba ayaw mo ako payagang lumabas? P-pangako, uuwi din ako. Gusto ko lang talaga-----" Naputol ang iba ko pang sasabihin dahil pinutol iyon ni Dior.

"Guard her. Huwag niyong hayaang lumabas sa bahay na ito ang babaeng 'yan" Narinig kong maawtoridad na utos nito sa mga guwardiya na nasa may pintuan. Napamaang ako at nagsimulang umahon ang inis sa aking dibdib.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon