CTBC: Kabanata 13

68.4K 1.6K 58
                                    


Precious Gem

NATIGIL ang ginagawa kong paghahain ng pagkain para sa agahan no'ng makita ko si Dior sa may pinto ng kusina. Kapansin-pansin ang suot nito ngayon dahil nakasuot lang ito ng sando, jersey short at rubber shoes, malayo sa nakasanayan ko na business attire na parati kong nakikita sa magazines.

Bigla rin akong nakaramdam ng hiya dahil sa maganda nitong kutis. Maputi ito, makinis at tila kay lambot ng balat nito. Napatingin ako bigla sa balat ko, may kaitiman iyon at bahagya pang magaspang dahil parati akong bilad sa araw. Pakiramdam ko ay mas muka pang babaeng tingnan si Dior kaysa sa akin.

"Ok. I'll be there later" Narinig ko pang wika ni Dior sa kung sinuman ang kausap nito bago inalis ang isang bagay na nakapasak sa tainga nito. Kumuha ito ng isang bote ng malamig na tubig sa refrigerator. Bumaling ito sa akin pagkatapos. "Prepare yourself. Lalabas tayo" wika nito na kumuha ng isang piraso ng hotdog at agad na isinubo at lumabas ng kusina. Nakamaang na sinundan ko nalang ito ng tingin.

Saan naman kami pupunta?

Naguguluhan man ay sinunod ko ang utos ni Dior. Inalis ko ang suot kong apron at bahagyang inayos ang sarili. Mga ilang minuto lang ang lumipas no'ng muling bumalik sa kusina si Dior na may dalang sumbrero, face masks at towel.

Bahagya pa itong natigilan no'ng makita nito ang kabuuan ko. Nakasuot lang kasi ako ngayon ng lumang jogging pants, malaking t-shirt at tsinelas. Nakaramdam tuloy ako bigla ng pagkailang. "H-huwag mo nalang ako isama sir" Napapayukong wika ko dito.

Nagulat naman ako no'ng may biglang lumuhod sa harapan ko. Pakiramdam ko ay mayroong kuryente na dumaloy sa buo kong katawan no'ng alalayan akong umupo ni Dior sa isa sa mga upuan doon. "A-anong ginagawa niyo s-sir?" Kinakabahan at hindi mapakali na tanong ko dito.

"You should wear shoes because we're going to walk around" wika nito bago ko naramdaman ang unti-unti nitong pag-alis ng suot kong tsinelas para palitan iyon ng dala nitong sapatos na noon ko lang napansin. Wala akong nagawa kundi titigan nalang ito sa ginagawa habang pigil ang paghinga.

Napahawak ang mga kamay ko sa aking baywang no'ng hindi ko na kinaya ang pagod dahil sa paglalakad. Hinihingal na napatingin nalang ako sa direksiyon ni Dior. Nasa malayo na ito at parang walang kapaguran na paulit-ulit na tumatakbo sa kabuuan ng oval.

Hindi ako makapaniwala na inakit ako nitong lumabas para mag-jogging. Hindi katulad ng ginagawa nito ay naglalakad lamang ako dahil baka makasama sa baby kapag tumakbo ako katulad nito.

Sinabi sa akin ni Dior na kailangan kong mag-ehersisyo kahit papaano upang hindi raw ako maging malnourished at mabuti rin daw iyon sa ipinagbubuntis ko.

"Wipe your sweat lady" Pukaw sa akin ng isang baritonong boses dahilan para mawala ang aking atensiyon kay Dior. Napatingin ako sa nakalahad nitong palad na may hawak na panyo.

Nag-angat ako ng tingin para kilalanin iyong nagsalita. Nakaramdam naman ako ng pagkahilo no'ng tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw. "Careful" wika pa no'ng boses bago ko naramdaman ang kamay nito sa aking braso. Inalalayan rin ako nitong maupo sa naroong bench sa gilid ng oval.

"Salamat"

"You are welcome. Are you ok?" Tanong pa nito sa akin na ikinatingin ko dito.

Bahagya akong natigilan no'ng tuluyan kong makita ang mukha nito. Hindi maikakaila na gwapo ito dahil sa mapang-akit nitong mga mata, makapal na kilay, mapulang labi at matangos na ilong. Napansin ko rin ang kayumanggi nitong balat na bumagay sa pagiging makisig nito at ang mahahaba nitong mga binti na simbolo ng pagiging matangkad nito. Sa tingin ko nga ay isa itong modelo.

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon