CHAPTER 6

530K 22.2K 17.9K
                                    


HUMIHIKAB pa ako pagpasok sa kusina nang makita ko ang maliit na note na iniwan ng propesor sa kitchen counter.

We're running out of meat and vegetables. Buy some at the marketplace.

From,
XV

"Ano ako, katulong?" Inangilan ko ang hawak kong papel. Binaliktad ko nang mapansing may nakasulat din pala sa likod.

Kung hindi ka mamamalengke, ikaw rin ang walang kakainin.

From,
XV

Napairap na lamang ako dahil may punto siya roon. Pagkatapos maghilamos ay nagbihis na ako ng pang-alis. Dumaan muna ako sa kuwarto ng propesor para magpaalam. Kumatok ako sa kaniyang pintuan dahil nakasara na naman ito.

"Knock, knock. Aalis na po ako para mamili," aking wika sa tapat ng kaniyang pinto.

"Fift, hindi mo kailangang magpaalam sa'kin," sagot ng kaniyang mala-dagat sa lalim na boses. "Hindi naman tayo mag-asawa."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Aba, wala naman akong sinasabing gano'n! Nagmartsa na lamang ako palabas dahil sa sobrang pamumula.

Habang naglalakad papunta sa palengke ay naalala ko ang mga pangyayari sa'min kagabi. I can't believe that he actually touched me. Napahawak ako sa pagitan ng aking baywang at hita. His hands were just over here last night...

Napapikit ako nang pumukaw sa'king isipan ang mga eksena naming dalawa sa kama. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan at kusang napakagat-labi. He was such a fucking expert.

Namili ako ng mga sariwang gulay at karne. Napapangiti ako dahil para nga akong asawa na namamalengke para sa pagkain namin sa bahay. Kinakagat ko na lamang ang labi ko para pigilan ang kilig.

"Meow?"

Isang matinis na tinig ang tumawag sa'king atensyon. Nahuli pala ako na ngumingiti na parang tanga ng isang maliit na puting kuting. Umupo ako para pantayan siya sa sahig at hinaplos ko ang malambot nitong balahibo.

"Hi, kitty. Secret lang natin 'yon, ha!"

Tumayo na ulit ako at naglakad na pabalik sa mansyon dala-dala ang aking mga pinamili. Pagkarating sa gate ng Villa Vouganville ay nakarinig na naman ako ng matinis na tinig.

"Meow?"

"Ay, pusa!" Sinundan pala ako ng pusang nakita ko sa palengke.

Kinalong ko ito at napansing mukhang ilang araw na itong hindi kumakain. Naawa ako kaya naman dinala ko siya sa loob ng mansyon. Pinaghimay ko siya ng maliliit na piraso ng isda at pinakain ito sa kaniya.

"Ano kaya ang ipapangalan ko sa'yo? Hmm..." bulong ko sa pusa. "Ah! Kung Vivi kaya? I'll name you after the initials of Villa Vouganville. From now on, you are Vivi the kitty."

Hinihimas ko ang likuran ng mga tainga nito habang dinidilaan ni Vivi ang kaniyang paa pagkatapos makakain.

"Gusto mo bang tumira rito, Vivi? Ipagpapaalam lang kita sa may-ari ng bahay. Tulad mo, nakikitira lang din kasi ako rito."

Iniwan ko muna ang kuting sa kusina at dumako papunta sa kuwarto ng propesor. Sakto lamang na nakita ko siyang nasa labas na pala ng kaniyang silid, naglalakad papunta sa direksyon ko.

Nakabihis ang propesor ng mahabang kimono coat na umaabot hanggang sa kaniyang mga binti. Detalyado ang disenyong nakaburda sa tela nito kaya siguradong mamahalin ito. Suot niya ito sa ibabaw ng puting long sleeves at itim na pantalon. He looks so elegant and expensive. Tila gusto ko siyang sambahin.

"Fift? Tapos ka na bang mamili? Mukhang tumitingin ka pa ng karne, eh." Umangat ang sulok ng kaniyang labi nang mapansin ang matagal kong pagtitig sa katawan niya.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon