CHAPTER 25

520K 20.2K 19.9K
                                    


HINDI makatingin sa'kin si XV nang sabihin niya iyon. Bumaba ang mga mata ko sa nakakuyom niyang kamao na marahang nanginginig. Nagulat man ako sa'king narinig, hindi ako nagdalawang-isip na hawakan ang kamay niyang nangangaligkig sa takot.

Napaso ako sa sobrang lamig nito, kaya pati ang kabila kong kamay ay humawak na rin para bigyan ito ng init. Baka sakali ay makatulong itong magpakalma sa propesor.

"Naiintindihan ko na ngayon si Xalvien kung bakit hindi niya binanggit sa'kin ang bahaging ito..." mahinahon kong bigkas. "Hindi rin ako naniniwalang magagawa mo iyon, Xildius."

Isa-isa kong ipinaalala ang mga mabuti niyang nagawa para sa kaniyang mga kliyente.

"Lumabas ka ng mansyon at lumuwas para lamang komprontahin ang kapatid ko. Nagdisenyo ka ng mekanismo para makausap ulit ni Mr. Halsen ang pamilya niya. Tinulungan mo sina Casmius at Cage sa kanilang relasyon. Sinagip mo ang buhay ni Raquen... Marami pang iba, professor! Isa kang mabuting tao na may pusong handang tumulong. Hindi ka mamamatay-tao."

"What if I'm only doing all those to convince myself that I'm not a killer?" kunot-noong sambit ng propesor.

"Ano'ng kailangan kong gawin para makumbisi ka na mabuti kang tao?" Hinigpitan ko ang kapit sa kaniyang kamay. "Nabanggit din sa'kin ni Xalvien na may hinahanap kang babae. S-Siya ba ang susi sa katotohanan?"

Lumamig na ang tinimplang kape ni XV. Parehas kaming nakatayo sa may counter at hawak-kamay na nag-uusap.

"Whenever I try to remember the past, the face of a certain girl always appears in my head. Hindi ko maalala ang pangalan niya, o kung ano ang kinalaman niya sa nakaraan. Pero sigurado akong malalaman ko ang lahat kapag nahanap ko na siya."

Dahan-dahan siyang suminghal kasabay ng pagtingala sa kisame.

"She'll be able to tell which one of my memories is real..." Pumunta sa'kin ang kaniyang mga mata at malalim akong tinitigan. "Ang babaeng iyon ang tanging pag-asa ko na magpapatunay na hindi ako mamamatay-tao. She's my saving grace."

Palihim akong nalungkot. Hindi ko alam kung ako na nga ba ang hinahanap niya, dahil wala naman akong maalala tungkol sa Morning Reaper. Wala rin akong nasaksihan na lapastangang pagpatay sa tao.

"I'm afraid of the sun because it reminds me of my parents' dead bodies, but..." Napasinghap muna siya bago itinuloy ang sasabihin. "I'm also afraid of the sun because it might trigger the Morning Reaper inside me... I might just kill someone out there."

Napanganga ako nang bigla niya kong niyakap mula sa likuran. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa'king ulunan at sinabing, "If only you knew, Salustiana... How much I want to go outside with you. Gusto kong samahan kang mamalengke sa umaga. Gusto kitang dalhin sa dagat para panoorin ang paglubog ng araw. Gusto kong salubungin ang bukang-liwayway kasama ka."

Naramdaman ko ang pagdaloy ng kaniyang luha na mabilis na pumatak sa'king damit.

"I want to see how you look like... smiling under the sun, Fift."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umikot ako para harapin ang propesor, at iyon ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak.

Professor Xildius Vouganville is crying. And his hurt expression melted my heart.

"Naaalala mo ba no'ng nagpunta tayo sa wishing well, professor? Hindi ba nag-sponsor ka sa'kin ng tatlong hiling?" nakangiti kong paalala kahit na nangingilid na ang luha sa'king mata. "Hiniling ko na magkapera at gumaling ang kapatid ko. Well, they both came true... somehow."

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi habang patuloy sa pagkuwento. "My third wish was for you to be able to go outside during the day again, professor."

Nilapat ko ang aking noo sa kaniyang noo at marahang nagtama ang aming mga ilong. "Hindi ba't napatunayan na natin na nagkakatotoo ang mga hiling sa wishing well na 'yon?"

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon