CHAPTER 34

433K 21.2K 30K
                                    




NOTE

Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang isang suncatcher, ganito ang kaniyang hitsura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang isang suncatcher, ganito ang kaniyang hitsura. At ganiyan ang epekto kapag natatamaan siya ng sinag ng araw. It will be a key element during our final chapters. Thank you!


***

"MOMMY, why are you coloring the clouds blue?"

Kunot-noo at nakangusong tanong ng aking tatlong taong gulang na anak habang sinasamahan ko siyang magkulay at mag-drawing sa kaniyang playroom.

"And why do your stars look pointy? Stars should be round, because they are giant balls of plasma."

Napapangiti ako sa pagtatama at pagkasungit ng batang ito dahil naaalala ko ang kaniyang ama sa kaniya.

Aking kinurot ang kaniyang mabilog na pisngi at sinabing, "Baby Vougan, sometimes you need to use your imagination. Saka isa pa, hindi kasi kita ang color white sa papel kaya ginawa kong blue 'yong clouds. Cute naman, eh."

He tilted his tiny head and asked, "Imagination? Is that why you are always talking to your button every night?"

Namula bigla ang aking mga pisngi. Magkatabi kasi kaming magkatulog sa kama, at hinihintay ko muna siyang makatulog bago ko inilalabas ang butones para magkuwento. Iyon pala ay nakikita niya 'ko!

"Y-Yes, baby. Your mommy has an imaginary friend inside the button!" nakangiwing palusot ko.

"Friend, or imaginary husband? You always say I love you... but it never answers back, Mommy." Tumayo siya saglit para yakapin ako. "But don't worry... because I love you, Mommy. And I will tell it to you every night if the button doesn't."

Nangingilid ang mga luha ko nang hinalikan ako ng aking anak sa pisngi. "I love you, Mommy!"

Niyakap ko na lamang siya para hindi niya makita ang pagpunas ko ng luha sa gilid ng aking mata. "I love you too, baby."

Nakausap ko na si Xantiel tungkol dito. Ipinaliwanag niya sa'kin na kahit laging nakikinig sa'kin ang propesor ay hindi kami makakapag-usap. Sabi niya ay si Xildius na mismo ang nakiusap na i-program daw ang device upang hindi siya makahatid sa'kin ng mensahe.

One-way communication ang tawag niya rito. Naririnig ako ni XV, pero hindi ko siya maririnig. Iyon daw ang kahilingan ng propesor para sa aming ikabubuti.

Alam kong iyon ang kagustuhan ni XV para tuluyang maka-move on kami ni Baby Vougan sa buhay, at nirerespeto ko naman iyon. Kaya naging kuntento na ako sa palaging pagkukuwento gabi-gabi ng mga nangyayari sa amin ng anak niya.

"Knock, knock, professor!" ang aking laging panimula tuwing mag-uulat ako sa kaniya. Tulad ng mga panahon noong ako ay assistant niya sa mansyon, ang aking pag-report ay laging buo at detalyado.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon