CHAPTER 15

532K 24.4K 18.2K
                                    


KINABUKASAN nang umaga ay sinundo ako ni Officer Flick sa mansyon. Habang nasa sasakyan ay pinapaliwanag niya sa'kin ang sitwasyon.

"Nakakuha kami ng tip mula sa isang key witness," salaysay ni Flick habang nagmamaneho. "May magaganap na pagtitipon ng mga malalaking pangalan sa mundo ng krimen."

Suot ko ang espesyal na communication device na gawa ni Xantiel. Nakakabit ito sa'king blusa para naririnig din ng propesor ang lahat.

"Para hindi ma-trace ng mga kasamahan niya, sasabihin sa'tin ng witness ang mga impormasyon nang harapan," patuloy ng hepe. "Nagmamadali ako dahil sa bawat segundong lumilipas ay nasa panganib ang buhay ng ating impormante."

Tuloy-tuloy ang aking pagtango. Kumapit akong maigi sa maliit na butones na nagsisilbing komunikasyon ko kay XV. Through this device, I can somehow feel that the professor is with me.

Pumarada na ang aming sasakyan sa binigay na address ng impormante. Kumatok kami sa pintuan at nagtaka dahil walang sumasagot. Dahan-dahan naming binuksan ang pinto at maingat na pumasok sa loob.

"Mr. Halsen?" pagtawag ni Officer Flick.

Nagtawag siya ng ilan pang mga kasamahan para sumunod na rin sa loob ng bahay dahil kanina pa walang nagpapakita sa'min. Umakyat kami sa pangalawang palapag at binuksan isa-isa ang mga pintuan ng mga kuwarto.

***

LAKING gulat namin nang makakita ng isang lalaking nakahiga sa kamang duguan, putol ang kaniyang mga kamay at baldado na rin ang mga binti. Pilit itong sumisigaw, ngunit walang boses na lumalabas dahil ultimo dila niya ay pinutol na rin.

"Fift, are you okay?" I heard Professor XV's concerned voice through the small device. "Your breathing is unstable. Is everything alright? Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Buwiset! Naunahan nila tayo!" galit na singhal ni Flick. "Pinutulan nila siya ng dila at binaldado para hindi niya masabi o masulat kung saan magaganap ang pagtitipon!"

"Fifteen... is the witness still alive?" patanong na bigkas ng boses ni XV. "Kung oo, tumawag agad kayo sa ospital at baka maagapan pa siya. Fift? You're not answering. Are you okay?"

Nanginginig ang buong katawan ko sa'king nasaksihan. First, I witnessed a murder. Now, I just encountered a tortured body. Magiging madalas ba ang mga ganitong eksena sa'king trabaho?

"Fift?" ulit ni Xildius.

"Y-Yes, professor. Tumawag na agad ng ambulansya sina Officer Flick. Mukhang masasagip pa raw namin ang impormante," aking ulat.

"How...about you?" I heard him sigh. "You okay? If this is too much, I can ask help from Xalvien or Xanti—"

"Ayos lang ako, prof!" determinado kong sagot. "Siguradong busy rin sila sa mga trabaho nila. Don't worry, professor. I can do this."

Sinamahan namin ang witness papunta sa ospital. Tatlong oras din siyang nasa emergency room bago namin siya nabisita sa isang pribadong silid.

Napatakip ako ng bibig nang mabalitaang hindi na nakakakita at wala na rin daw pandinig si Mr. Halsen ayon sa mga doktor. Sinigurado ng mga kalaban na hindi na siya makakapagkomunika pa kahit kailan.

"Make sure that he is guarded at all times," utos ni Officer Flick sa kaniyang mga kasamahan. "Baka bumisita ulit ang mga nanakit sa kaniya. If there's anyone suspicious, report it to me immediately."

"Hindi ko maintindihan..." sambit ko habang naaawang nakatingin sa pasyente. "Sinadya ba nilang hindi siya patayin, para habambuhay siyang nahihirapan? He's still alive but he's living in hell. Napakawalang puso nila."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon