CHAPTER 29

447K 21.6K 25.4K
                                    


MAYROONG malapad na ngiti sa mga labi ko nang bumaling ako sa kama para yakapin ang aking nobyo. Kumunot ang aking noo nang matagpuan ng mga kamay ko ang malamig na kumot sa'king tabi na walang laman.

"Professor?"

Kinakamot ko ang aking nakapikit na mga mata habang sinisipat ang malabong orasan sa gilid ng kama. Alas-onse ng gabi.

Nang tuluyang makadilat ay dahan-dahang namuo ang imahe ng propesor na nakatayo sa tapat ng pisara.

Nakasuot siya ng itim na pantalon at nagpatong ng mamahaling dark velvet robe na umaabot sa sahig ang haba at luwag. Ngunit ang pinakamagandang tanawin ay ang hubad niyang katawan na sumisilip sa pagitan ng mga telang iyon.

Napakagat-labi ako sa kaniyang kaguwapuhan.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Uhm, Xildius? Kanina ka pa ba nakatayo riyan? Ano'ng ginagawa mo?"

Saka ko lamang napansin na kanina pa pala siya nakatitig sa mga salitang nakasulat sa pisara. Ang pangalang Professor Morelio Alfaros na ginuhitan nang maraming beses.

"Alam mo, maghapon ka nang nakatitig diyan. Magseselos na ba 'ko?"

Napangiti siya sa'king paghirit. Dahil do'n ay bumalik na siya sa kama para halikan ang pagitan ng magkasalubong kong kilay. Umakto akong tila bata na hinihila at pilit na tinatanggal ang kaniyang balabal.

"I want some XV," I told him with a lip bite.

He cupped my face and pushed my cheeks. "Why is my Salustiana acting extra cute, tonight?" said his deep baritone voice as he squinted his eyes teasingly.

"Eh kasi, nahuli na natin siya sa wakas... pero parang hindi ka masaya," nakayuko kong pag-amin. "At least tell me what's on your mind, professor."

"Alright..." He sighed out a long breath while tucking some loose hair strands behind my ear. "February 7, 2006. I can still remember that date clearly, Salustiana. That was the day my parents were killed."

Awtomatikong lumungkot ang aking mga mata nang marinig iyon. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at idinantay niya sa'king palad ang kaniyang pisngi.

"I clearly remember the date, but everything else is a blur," salaysay ng propesor. "I was ten years old during that time. Kung si Flick nga ang Morning Reaper, ibig sabihin ay nasa pitong taong gulang pa lamang siya noon."

"Pero hindi ba't napatunayan na natin sa kaso ni Yowan na kahit gano'n kabata ay maaari pa ring makagawa ng mga gano'ng bagay?" aking tanong.

Mula sa istante na malapit sa kama ay kumuha ang propesor ng isa sa kaniyang mga akdang libro. Binuklat niya ito at nagpatuloy sa kaniyang pagsalaysay.

"That's not the issue... What I'm confused about is the long gap between the years. Taong 2006 pinatay ng Morning Reaper ang mga magulang ko, pero ang sunod niya nang naging krimen ay taong 2016 na."

Pinakita niya sa'kin ang larawan ng mga naging biktima. "Why did the Morning Reaper wait for ten years before his next set of murders?"

Kinuha ko ang libro at sinuri ang mga pahina nito. "Baka may nangyari sa kaniya kaya siya napatigil?"

"I don't understand. Serial killers are different from other murderers because they enjoy the thrill of killing. Matagal ko na silang pinag-aaralan. One-time murderers usually have a strong reason to kill-like a grudge. But serial killers are different... they kill for the excitement they get."

"And the Morning Reaper isn't a one-time murderer, he's a serial killer..." dugtong ko habang binubuklat ang mga pahina. "The type who likes to play games."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon