CHAPTER 12

485K 20.1K 14.9K
                                    


SADYANG makulit si Casmius kaya hindi na nakapalag ang propesor. Basta raw hindi siya iistorbohin sa kuwarto niya ay ayos lang daw.

"Wow! May grand piano pala rito sa Villa Vouganville!" natutuwang hiyaw ni Casmius nang makakita ng malaking piano sa isa sa mga silid ng mansyon.

Nagalak din ako bigla nang makita ito. May tinatago palang ganito ang propesor. Tumutugtog din kaya siya?

Sobrang excited ako dahil gusto kong marinig tumugtog si Casmius nang harapan. Para akong nakalibre ng VIP ticket sa mga sold-out concerts niya.

"Ano ang tutugtugin mo?" sabik na tanong ko habang tinutulungan siyang tanggalin ang cover ng piano.

"This one is a new song of mine," usal niya pagkaupo sa tapat ng piano habang inuunat ang kaniyang mga daliri. "Wala pang title, at hindi ko sigurado kung ilalabas ko ba ito. Pero espesyal na kanta ito para sa'kin. Gusto mo bang marinig?"

"It would be my honor!" I shrieked with clasped hands.

Tinapik ni Casmius ang natirang espasyo sa kaniyang pahabang upuan. Kumislap agad ang mga mata ko sa sobrang pananabik. Tinabihan ko siya sa tapat ng piano at pinakinggan ang kaniyang pagtugtog.

The first few notes were playful but full of wonder. Para itong may kinukuwentong istorya at mapapaabang ka sa susunod na himig. Kusa akong napapapikit, at sinasabayan ng ulo ko ang paglipat ng mga nota.

Naging mas mabilis ang paggalaw ng mga daliri ni Casmius. The song entered a crescendo, while keeping its whimsical feel. Para akong lumulutang habang nakikinig sa nakakabighaning piyesang naglalaro sa mga tainga ko.

Unti-unti akong dinadala sa langit ng bawat pagkumpas ng mga kamay ni Casmius. Nang bumabagal na ulit ang kanta, pakiramdam ko ay nakasakay ako sa napakalambot na ulap na naghahatid sa akin pabalik sa lupa.

Pagkatapos ng kanta ay saka ko lamang napansin na napaluha na pala ako dahil sa sobrang ganda nito.

"Casmius... you're such a genius!" sumisinghot na papuri ko habang pumapalakpak. "Puwede ko bang marinig ulit?"

"Sure!" Nakangiting sambit ni Casmius. Ihahanda niya na sana ang mga kamay niya nang biglang dumilim ang buong mansyon. Alas sais na pala at lumubog na ang araw.

"Bakit ang dilim?" tanong ng napatayong si Casmius. Umalis siya sa upuan at tila naghahanap ng ilaw.

"T-Teka, Casmius! Wala kang mahahanap na ilaw!" hiyaw ko habang sinusubukan siyang maaninag.

Napakadilim talaga sa Villa Vouganville kapag gabi na. Naiwan ko pa naman sa kuwarto ang espesyal na salamin ko na binigay ng propesor.

"Ganito talaga rito sa mansyon. Nakasarado kasi ang lahat ng mga bintana," salaysay ko kay Casmius. "Kapag umaga, kumukuha lang kami ng liwanag mula sa espesyal na kisame na nagsasala ng sikat ng araw."

"Gano'n? Pero bakit—"

Naputol ang sasabihin ni Casmius nang bigla kaming nakarinig ng pagtugtog ng piano. May umupo sa tabi ko, at nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso nang maramdaman kung gaano siya kalapit sa akin.

I know that it's the professor because of his strong presence and mesmerizing scent. At dahil sa awtomatikong reaksyon ng puso kong bumibilis sa pagtibok tuwing nariyan siya.

Tinugtog ng propesor ang mismong kanta na tinugtog ni Casmius kanina.

Natahimik kaming dalawa ni Casmius sa sobrang pagkamangha. Kuhang-kuha ng propesor ang bawat nota. Eksakto ang paggalaw at pagkumpas ng kaniyang mga kamay.

Kung hindi ko nakitang tumayo si Casmius mula sa upuan ay aakalain kong siya pa rin ang nasa piano.

Lumingon ako sa'king kaliwa kung saan nakaupo ang propesor. Kusang nag-init ang mga pisngi ko habang siya ay tumutugtog. Sayang, sana ay nakikita ko ang mukha niya ngayon. Gusto kong masaksihan ang hitsura niya habang tumutugtog ng piano.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon