CHAPTER 21

523K 19.1K 26.2K
                                    


LAHAT ng kasiyahan ay panandalian lamang. Maaari itong matapos sa isang paalam, isang pagkakamali, isang pagtatalo—o sa isang tawag ng telepono.

Kanina pa nagpaalam sa linya si Xalvien pero hindi pa rin ibinababa ng propesor ang telepono. Umaalingawngaw ang malalim na paghugong ng dial tone at tila isang minuto nang nakatulala si XV.

"P-Professor?"

Dahil buhat-buhat pa rin ako ng kaniyang mga braso, naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay niya na mariing nakakapit sa'kin.

"Professor?" ulit ko nang mapansing hindi niya yata ako naririnig.

His fingertips were trembling, and he's starting to sweat profusely. Nanlalaki ang mga mata niya't nagsisimula nang lumamig ang kaniyang mga kamay.

It is exactly the same reaction whenever the professor sees the sunlight.

"XV!" hiyaw ko para kunin ang kaniyang atensyon.

Napakurap siya saglit bago nakabalik sa tamang huwisyo. Ibinaba niya na 'ko sa sahig at kinuha na ang kaniyang mahabang kimono robe mula sa ibabaw ng piano. Walang imik na isinuot niya ito't tinali para takpan ang kaniyang hubad na katawan.

"Ayos lang ba ang lahat, Xildius?" nag-aalala kong tanong.

"There's an active serial killer, Fift," sagot ng malamig niyang boses. "Malamang, hindi ayos ang lahat."

Medyo nasaktan ako dahil tila bumalik na naman ang kaniyang masungit na pakikitungo. Parang kanina lang ay ang lambing-lambing namin sa isa't isa.

Naglakad na siya papunta sa kaniyang kuwarto at sumunod ako. Nang maramdaman ang aking presensya sa likuran ay bigla siyang lumingon at nagtaas ng kilay, para bang nagtataka siya kung bakit ako sumusunod.

Lumunok muna ako bago binanggit ang aking tanong. "S-Saan pala ako matutulog ngayong gabi?"

Napayuko ako sa sobrang hiya, ngunit gusto kong malaman kung may magbabago ba sa relasyon naming dalawa pagkatapos ng namagitan sa'min.

"In your room, Salustiana..." he answered without looking. "Go back to your room and sleep. Maaga kang gigising bukas dahil sasamahan mo sina Xalvien at Flick."

"S-Sabi ko nga..." kagat-labi kong sambit.

My heart stopped for a second. I wasn't able to hear anything else aside from his departing footsteps and the closing of his door.

Pinigil kong maigi ang aking mga luha at mabilis na tumakbo papunta sa'king kuwarto. Pagkasarado ng pintuan ay agad akong sumalampak sa sahig. Tinakpan ko nang maigi ang aking bibig para pigilan ang malakas kong paghagulgol.

I screamed all my feelings out while covering my mouth. Hindi ko alam kung naririnig ba iyon ng propesor o hindi—pero hindi ko na kayang pigilan ang puso kong gusto nang kumawala mula sa'king dibdib dahil sa sobrang sakit.

Iiyak mo nang lahat ngayon, Fift... para handa kang harapin siyang muli kinabukasan na parang walang nangyari.

***

"FIFTEEN, you don't look okay."

Kasama ko si Xalvien ngayon sa isang restaurant at hinihintay naming makarating si Officer Flick.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi naman talaga tanong ang sinabi ni Xalvien. Dumating na ang order kong red wine at inilapag na ng waitress ang baso sa'king tapat.

"Red wine sa umaga?" taas-kilay na tanong ni Xalvien nang makita ito.

Sumimangot ako nang mapansing hindi puno ang baso.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon