CHAPTER 27

533K 20.3K 41.8K
                                    


BUMISITA sa Villa Vouganville si Officer Flick para ibahagi ang kaniyang ulat tungkol sa mga biktima ng Morning Reaper. Naroon kami sa isang study room kung saan may malaking chalkboard sa harapan. Nakakabit doon ang mga kakila-kilabot na larawan ng mga bangkay.

Naalala ko bigla ang unang beses na nakapasok ako sa kuwarto ni XV. Ganito rin ang mga larawang nakita ko noon. I guess the professor was studying the Morning Reaper during that time.

"May nakaukit na mga letra sa likuran ng mga biktima," salaysay ni Officer Flick habang tinuturo ang mga litrato. "May mabubuong pangungusap kung pagsusunod-sunurin ang mga ito."

Kinuha ng batang pulis ang chalk at sinulat ang mga nasabing letra sa board.

May payaso sa palasyo
Na 'di sinasali sa palaro
Kaniyang kinuha ang trono ng hari
Mga reyna'y kaniya nang pagmamay-ari

Kumunot ang noo ko nang mabasa ito. It doesn't make sense to me. What does the Morning Reaper want to say?

Napalingon ako sa propesor na siyang nakapamulsa sa kaniyang pantalon at umiinom ng kape habang sinusuri ang kakaibang mensahe.

"Saan natagpuan ang mga bangkay?" tanong ni XV sa kasama naming pulis.

Agad namang sumagot si Flick. "Ang una ay sa isang motel, ang sunod naman ay sa isang hardin, ang dalawa naman ay sabay natagpuan sa isang club..."

Naningkit saglit ang mga mata ng propesor. Lumapit siya sa board at kinuha ang chalk mula sa kamay ni Flick. Isinulat ni XV ang mga lugar na nabanggit.

"Fifteen, do you remember what I said about the two types of serial killers?" nakatalikod na tanong ng propesor.

Tumango ako at sumagot, "May isang klase na gustong magtago, at mayroon namang gustong makipaglaro."

Nakita kong napangiti ang propesor nang marinig ang sagot ko. "Cute, sexy, and smart," mahinang bulong niya habang patuloy na nagsusulat sa chalkboard.

Napalingon tuloy sa'kin si Officer Flick kaya agad kong tinakpan ang aking namumulang mukha gamit ang buhok ko. Ito namang si XV! Hindi namimili ng oras at lugar!

"The Morning Reaper is the type who likes to play games," paliwanag ni Professor. "Which means that the people he killed are not just chosen randomly. Even the places where he killed them are all planned."

Ang galing. Kabisadong-kabisado nga talaga ng propesor ang Morning Reaper. Alam niya kung paano ito mag-isip.

Sinulat ni XV ang mga lugar kung saan pinatay ang mga biktima, katabi nito ay gumuhit siya ng mga pamilyar na simbolo. Simbolo ng mga baraha.

"Ang tinutukoy ng Morning Reaper sa kaniyang mensahe ay ang larong baraha. The love motel represents the suit of Hearts. The club is obviously the Club, while Spade is a tool used for gardening."

"Holy shit..." Hindi mapigilang magmura ni Flick nang masaksihan ang paglutas ng propesor sa mensahe ng Morning Reaper.

Kahit ako ay namangha. Nagawa agad iyon ni Professor XV nang hindi man lamang kumukurap. Hawak-hawak niya pa rin ang tasa ng kape habang nagsusulat sa board.

"Hindi lang iyan ang iniwang clue ng Morning Reaper sa kaniyang mensahe," patuloy ni XV. "Alam niyo ba kung alin ang pinakamataas na baraha sa larong poker?"

"K-King?" nag-aalinlangan kong sagot.

"Hindi ba Alas?" sundot naman ni Officer Flick.

Humarap sa'min ang propesor at sumandal sa dulo ng chalkboard. Binaba niya ang kape sa katabing lamesa.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon