CHAPTER 10

513K 22.3K 33.3K
                                    


NANGHINA ang buong katawan ko habang nakatingin sa walang ekspresyong mukha ni Eliotte, na noong isang araw lamang ay malambing na nakangiti sa'kin.

"Eli! Eli!" hiyaw ng naghihinagpis na si Valem habang nakayakap sa bangkay ng kaniyang kapatid. "Ate Eli! B-Bakit? Bakit? Bakit, Ate Eli?!"

Lumapit sa'kin ang isa sa mga pulis. Dahil sa suot na uniporme at mga tsapa nito, halatang mataas ang kaniyang rango. "Ikaw ba si Fift Salustiana? Ang assistant ni Professor XV?"

Kahit mataas ang rango ay mukhang bata pa ang pulis na ito. Sa tingin ko ay nasa early twenties pa ito tulad ko. Nagtaka ako sa tanong niya ngunit tumango ako bilang pagtugon.

"Ako si Officer Flick Solis. Nag-iwan si Eliotte ng suicide note, ngunit hindi namin alam ang ibig sabihin nito."

May inabot siya sa'king isang pirasong papel mula sa mesa. "Kung maaari sana, hihingi kami ng tulong sa propesor para i-decode ito. Baka sakaling malaman natin ang dahilan ng kaniyang pagpapakamatay."

Nang tingnan ang sulat ay nagulat ako, sapagkat hindi ito isang liham. Isang makabuluhang tula ang iniwan ni Eliotte:

While everyone is deeply sleeping
Breathing in chorus, and busy dreaming
You stay awake and do your part
Quietly shining, and brightly smiling

Not a lot of people witness
The way you dance within the darkness

Slowly, the clouds cover your face
Slowly, the chill covers the night
Slowly, your white light fades into a daze
And just as quick, I blink, and you're gone from my sight

Tumulo ang mga luha ko nang mabasa ito. Niyakap ko ang liham at tumango sa pulis. "S-Sige po, Officer Flick. Gagawin namin ng propesor ang lahat ng aming makakaya para makatulong."

Lumapit ako sa nagwawalang si Valem. Hinaplos ko ang kaniyang likuran habang patuloy ito sa pagsigaw at pag-iyak. Pinakita ko ang tulang sinulat ni Eliotte, at naging dahilan ito ng walang tigil niyang pagtangis.

***

NANGINGINIG ang kamay ko habang inaabot sa propesor ang suicide note ni Miss Eliotte. Kasama nito ay ilang mga dokumento mula sa mga pulis tulad ng mga larawan ng eksena at iba pang mga impormasyon tungkol sa masaklap na pangyayari.

Inaasahan kong maraming tanong ang propesor, tulad ng palagi niyang hinihinging mga detalye sa'kin tuwing may kaso kami. Kaya nagulat ako sa unang-unang tanong na namutawi sa kaniyang mga labi.

"Are you okay, Fift?" Lumapit siya sa'kin at hinawakan nang marahan ang ulo ko. "How are you?"

Hindi ko na naman napigilan ang pagluha ko. Niyakap ko ang propesor at humagulgol sa kaniyang dibdib. Nalukot na ang suot niyang polo dahil sa tindi ng pagkakakapit ko rito. Sinigaw ko ang lahat ng mga nararamdaman ko—lungkot, takot, panghihinayang, pagtataka, at hinagpis.

The professor doesn't like loud noises, but he's allowing me to scream my lungs out tonight. Hinayaan lamang ako ni Xildius na humagulgol sa kaniyang bisig. Puno ng paglalambing na niyakap niya ako pabalik hanggang sa makatahan.

***

"BILANG tagahanga, may napapansin ka bang kakaiba sa iniwan niyang tula?" tanong ng propesor nang mahimasmasan na ako.

"I can't really explain why, but..." kunot-noo kong paliwanag, "it's different from her other poems. Halatang iba ang disposisyon ni Miss Eliotte nang isulat niya ito."

"Other poems? Maaari ko bang tingnan ang mga libro niya na meron ka?"

Tumango ako sa propesor. Umakyat ako sa'king silid at bumalik na may hawak na mga libro.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon