CHAPTER 17

485K 22K 20K
                                    

BLACK HOLE.

That's what my heart feels like right now. It has become hollow, sucking all my emotions into one endless pit. Tila may malalim na butas na patuloy lang sa paglaki, hanggang sa masakop ang buong dibdib ko ng walang hanggang kalungkutan.

There's a tiny selfish part inside my chest that's pathetically hoping for XV to come running after me.

Kada tapak ko palayo sa mansyon, tila may malaking patalim na sumasaksak sa dibdib ko. Kada segundong wala akong naririnig na mga papalapit na yabag, tila may pumipilipit sa puso ko.

Nang tuluyan na akong nakalayo, hindi ko napigilang matawa na parang baliw habang umiiyak.

"Buti na lang, may sakit si XV kaya hindi niya 'ko mahabol," sarkastikong sambit ko sa'king sarili habang nakangiting humihikbi. "Para... para may dahilan kaya hindi niya 'ko pinigilan."

Sinusubukan kong kumbinsihin ang aking sarili, para kahit papaano ay hindi gano'n kasakit.

"Isa pa, hindi tayo tumatakbo palayo para magpahabol! Tandaan mo 'yan, Fift."

Biglang may pumatak sa braso ko. Akala ko noong una ay luha ko lang, ngunit sunod-sunod ang naging pagpatak at napansin kong umuulan na pala.

Patay, wala akong payong! Panay takbo ko ngunit wala akong mahanap na silong. Babalik ba ako sa mansyon? Umiling ako nang marahas. Hindi, Fift! Hindi tayo lulunok ng pride.

May bigla akong nakitang taxi na dumaan kaya agad ko itong pinara. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay napabuntong-hininga ako. Sa wakas, may bubong na rin. Kanina pa kasi ako basang-basa.

"Saan po tayo, miss?" tanong ng driver.

"Kahit saan po, gusto ko lang makalayo mula sa mga problema," malalim kong sagot.

"Miss, wala po akong panahon sa mga hugot niyo," masungit na pagkontra ng driver.

Ano ba 'yan, kalahi ba ng propesor ang driver na 'to? Pagkasinghal ay saka ko lamang napansin na wala akong kahit anong dala o bitbit.

Shit, wala rin akong pera pambayad!

***

"W-WAIT lang po, pakihinto na lang po rito," nahihiyang banggit ko sa driver. "Tatawagin ko po ang kaibigan kong lumabas para humingi ng pambayad..."

Tingin na nanghuhusga ang tugon sa'kin ng driver mula sa rear view mirror. Bumaba na ako at nag-doorbell sa malaking gate.

"Fift, bakit ka napabisita?" Nanlalaki ang mga mata ng lalaking lumabas sa pinto.

"Xalvien!" nakangiting hiyaw ko. "M-May two hundred ka ba riyan? He-he."

Pinapasok na ako ni Xalvien sa loob ng kaniyang mansyon. Ayos lang daw kahit hindi ko na bayaran ang hiniram kong pera. Kaya ko piniling dito pumunta, eh.

Sumalubong sa'kin ang mabangong amoy ng bulaklak. His whole mansion is surrounded with the relaxing scent of lavender.

"Mahilig ka pala sa mga bulaklak?" usal ko habang nakapikit at ine-enjoy ang amoy. "I didn't know that you were such a romantic person, doc."

Tumawa nang mahina si Xalvien. "It's actually for my patients. Lavenders are scientifically proven to help reduce anxiety. Its sweet smell helps calm my patients, so they can feel at ease when they share their problems with me."

Napangiti ako. Halata mong matalino rin itong si Xalvien kapag nagsasalita siya. Ngunit kapansin-pansing malambing siya at mabait, hindi katulad ni XV.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon