CHAPTER 22

484K 20K 16.9K
                                    


"FIFTEEN, she's not the killer."

Kinabahan ako sa biglang sinabi ng propesor. Lumingon ako sa babaeng iginapos ng mga pulis at nakita kong may bakas ng takot sa kaniyang mukha.

"A-Ako 'yon! Ako ang pumatay sa kanila!" giit nito.

Napatingin ako kina Xalvien na siyang takang-taka rin.

Humigpit ang aking pagkakayakap kay Vivi nang balikan ko si XV. "P-Pero umamin na po siya sa'min, professor. Hindi ko maintindihan kung bakit mo nasabing hindi siya ang salarin."

"Capture her first and take her for an interrogation, I'll explain everything once you get there."

Sumunod kami sa payo ng propesor at dinala ang babae sa prisinto. Habang nasa biyahe ay panay pilit nito na siya ang pumatay sa mga biktima. Sobrang nakakapagtaka dahil ngayon lamang ako nakakita ng suspek na pinagpipilitan ang kaniyang sarili.

Nang makarating ay kinulong namin siya sa interrogation room. Si Officer Flick lamang ang kasama ko sa loob, habang nanonood naman mula sa labas si Xalvien.

Kinonekta ko ang communication device sa speakers para marinig ng lahat ang boses ng propesor nang mabuti.

"I studied the decomposition of the dead animals that my assistant found in the graveyard site," panimula ni XV, "and I compared the time of decay against the time period since the pets were reported missing..."

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mong propesor ka," pagputol ng babaeng suspek. "Heto at umaamin na nga ako, pero ayaw mo pa 'kong ikulong!"

Tumawa nang mahina ang propesor at nagpatuloy, "I also computed the time it took for my cute assistant to enter that small cave. Hindi basta-basta makakaparoo't parito ang kriminal sa ganoong kasikip na kuweba."

Napatikom ako ng bibig sa'king narinig. Bakit biglang nadagdagan ng 'cute?'

"An adult body wouldn't be able to go back and forth to carry those dead animals that quickly," kalmadong pahayag ni XV. "Kung si Fift ay nahirapan, tiyak na maliit nga talaga ang lagusang iyon."

Napansin kong natahimik at pinagpapawisan na ang babaeng suspek na kanina lamang ay panay sigaw.

"Trust me, I know my assistant's anatomy very well. I have explored her body down to every inch." May pang-aasar sa tono ng propesor at narinig ko ang kaniyang pagngisi.

Nangamatis bigla ang mukha ko sa sobrang hiya. Hindi ko maalis ang tingin sa sahig dahil sigurado akong nakatingin sa'kin sina Xalvien at Officer Flick.

Kahit kailan ka talaga, Xildius! Kailangan ba talagang banggitin pa iyon?!

"Which only means that our killer is a kid." Lahat kami ay nagulat sa sinabi ng propesor. "Flick, find out if this woman has a child, or if she has any nephew or niece."

"P-Professor!" Sumingit ako dahil sa sobrang hindi pagkapaniwala. "Hindi makakagawa ng gano'ng karumaldumal na bagay ang isang bata!"

"Fift... psychopaths develop violent tendencies at a very early age," Professor XV countered.

Biglang nagwala ang babaeng suspek at naghihihiyaw nang malakas. "Layuan niyo ang anak ko! Huwag niyo siyang lalapitan! B-Bata pa lang si Yowan... P-Pakiusap, huwag na huwag niyong sasaktan ang Yowan ko..."

Mabilis na kumilos sina Officer Flick at pinadala agad ang kaniyang mga tauhan pabalik sa Valle Vista. Naghanda na rin kami para sumunod sa kanila, bago lumabas ng silid ay sumilip muna ulit ako sa inang naghihinagpis.

Mali ang ginawa ng kaniyang anak, at mali rin na pagtakpan niya ito. Ngunit may kaunting parte sa'king puso na nakakaintindi kung bakit nagawa ng isang ina na isakripisyo ang kaniyang sarili para sa kapakanan ng anak niya.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon