CHAPTER 26

688K 22.1K 59.2K
                                    




WARNING

This chapter contains SPG scenes. Proceed at your own risk.

***


"P-PROFESSOR?"

Nagising ako dahil may naramdaman akong malambot na sensasyon sa'king mukha. Marahan siyang dumadampi ng mga halik sa'king pisngi at paminsan ay singit na dumidila sa'king panga. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit nakapikit pa rin dala ng sobrang antok.

"Salustiana..."

"Professor, ikaw talaga... Mmm... Ang aga-aga pa eh," mahinang daing ko habang binabaling ang ulo dahil sa hindi maikubling kiliti sa'king tiyan.

"Salustiana? Sa tingin ko ay kailangan mo nang magising."

Pagdilat ko ay bumungad ang mukha ni XV—nanonood sa'kin mula sa pintuan at malayo sa kama.

"V-Vivi!"

Pusa ko pala ang dumidila sa'kin kanina pa, at kanina pa ako pinagmamasdan ng propesor.

"I don't know if I should be amused or insulted." Professor XV smirked and slid his hands inside his pockets as he leaned his back on the wall. "But I did enjoy hearing you moan my name in the morning."

Agad akong bumangon at nag-ayos ng hitsura. Magulo pa pala ang buhok ko, may muta pa sa mata, at may kaunting laway sa gilid ng bibig. Ang pangit ko, nakakahiya!

"Magbasta ka na, I'll wait for you in our living room."

'Our' living room? Namula ang mga pisngi ko sa simpleng paggamit niya ng panghalip na iyon.

Naligo agad ako at nagsuot ng panlabas na damit. Pagpunta ko sa sala ay nagulat akong nakabihis din ng pang-alis ang propesor.

"S-Saan ka pupunta?"

Nilahad niya ang kaniyang kamay, tila ba niyayaya akong hawakan ito, at sinabing, "Mamamalengke tayo. Sasamahan kita."

Siya na ang kumuha sa kamay ko dahil napako ako sa'king puwesto dulot ng matinding pagkagulat. "Mamamalengke? Pero u-umaga pa, professor. Sira na ba ang body clock mo?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at maingat itong hinaplos gamit ang likuran ng kaniyang mga daliri.

"When we stayed outside by the wishing well, I tested how long I can stay out in the morning before fainting. Kaya kong tumagal hanggang alas singko, sakto dahil ito ang pinakamagandang oras para mamili ng mga pinakasariwang isda't gulay," paliwanag niya. "Kaya tara na, isang oras lang ang mayroon tayo."

Kaya niya ba pinatagal ang halik namin noon dahil sinusubukan niya ang hangganan ng kaniyang phobia? Inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang malapad niyang ngiti habang hawak-hawak ang aking kamay. O baka naman, may dahilan ako para umasang ginusto niya talaga iyon?

***

HAWAK-KAMAY kaming namamasyal sa palengke. Sa sobrang kilig ay hindi ko na napapansin ang matatalim na tingin ng mga babaeng inggit na inggit sa'kin.

Para sigurado ay nakasuot ulit ng shades ang propesor, kaya lalo tuloy umaangat ang kaniyang kakisigan.

"Ate, isa nga po nitong isda," sambit ko sa tindera.

Biglang hinarangan ng propesor ang nakaturo kong daliri. "No, not that. Let's take this one instead, Salustiana."

"Pero mas malaki 'to, professor," nakanguso kong pagpilit.

"Bigger isn't always better. Observe the fish. Kapag makintab ang balat nito, ibig sabihin ay sariwa pa. Dapat ang hasang nito ay mapula-pula pa. Try poking it as well to see if it's firm. Kailangan ay magkakalapit ang mga kaliskis nito, at malinaw ang mata."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon