Chapter 02

3.2K 63 3
                                    

Aria's POV


Pinagmasdan ko lang ang itsura niya. Normal naman sa babae ang ganitong itsura pero nanibago ako sa lalaking ito. Napangiwi pa ang mga kaklase ko sa nakita, halatang hindi nagustuhan ang vibes ng bagong dating na estudyante.


"Mister Marquez, if you need something, ask the class representative of this class. Aria," tawag ni Prof sa akin kaya tumayo agad ako mula sa pagkakaupo ko. Napunta naman sa akin ang atensyon ni Luke kaya bahagya ko nalang siyang nginitian pero wala man lang akong nakuhang ngiti. Pfft. Sungit. "Ikaw na bahala sa transferee natin. Okay?"


"Yes, Prof Pablo. Ako na po ang bahala."


"Alright. There's an available seat in the back. Sit there temporarily iho." Tumango lang si Luke bago dumiretso doon sa upuan sa likod. Dumaan pa siya sa gilid ko kaya naamoy ko ang pabango niya. Hmm, okay na rin ha.


History ang class namin kay Prof Pablo. Hindi naman sa gusto ko ang history pero ito talaga ang focus ko dahil interesado ako sa maraming bagay. Ang dami kasi talagang kakaiba sa history. Lalo na kapag ang pag-uusapan ay ang iba't-ibang kingdom sa lugar na ito. Ang mga prinsipe at prinsesa. Ang ganda lang pag-aralan ng mga kwento nila.


"I gave you an assignment before about the different kingdom around the world, right? Now. Let's have a recitation."



"Prof!!!!"


"Hala! Wala akong alam!"


"Isa lang ang alam ko prof! Hindi ko pa alam kung tama!" Natawa nalang ako sa narinig mula sa mga kaklase ko.


Talaga naman, oo.


"Ang makapagbigay ng sagot, hindi na magti-take ng quiz." Nagtaas agad ako ng kamay sa sinabi ni Prof. Ako lang ata ang nagtaas kaya nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. "Si Aria na naman! Kahit mag-quiz naman si Aria ay mataas pa rin ang score niya. Pero okay, give me one, Aria,"


"Kingdom of Zafara,"


"Alright, good!"


"Hoy, bigay ka isa sa akin." Bulong ni Jasmine kaya isinulat ko kaagad sa papel ang mga kingdom na na-review ko. Iaabot ko na sana yun sa kaniya nang mapatigil ako sa sinabi ni Prof.


"Oh, let's ask the transferee," Sabay-sabay kaming napalingon kay Luke na hindi pa ata nagulat na tinawag siya. Anong trip ni Prof? Bago palang si Luke malamang hindi din niya al——


"The Kingdom of Arpazia,"


"That's right!" Tuwang-tuwa na sabi ni Prof Pablo kay Luke. "What do you know about that Kingdom?" Tumayo naman si Luke mula sa pagkakaupo at muli pang inayos ang glasses niya.


"King Arman Kuri is the ruler of that Kingdom, alongside with the Queen Cartha Kuri, and their two children, Prince Hayden and Princess Estella."


What the????


How did he know that????


Hindi ko man lang na-research ang bagay na yun. I mean, I didn't know that!!! Hindi lang ata ako ang nagulat doon dahil pati si Prof ay nagulat sa nalaman niya. Dali-dali kong isinulat ang pangalan ng mga taong nabanggit niya. Sino daw yung prinsipe ulit?



"That's amazing iho. Alright! Next!" Ang ending, apat kaming hindi nag-take ng quiz. Si Luke, ako, si Jasmine and si Kenneth na hindi ko inasahan na may alam din siyang kingdom.


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now