Chapter 10

2.1K 41 0
                                    

Aria's POV


Sa lahat ng sinabi niya, doon talaga ako pinaka-naguluhan. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Anong pigilan? Bakit niya pipigilan ang sarili niya?


"Uhm.. edi magkaibigan na tayo?" Naiilang na tanong ko na ikinatawa niya naman agad. Napailing pa siya bago tumayo at uminom ng tubig kaya para akong tangang sinundan siya. "Hoy! Ano bang ibig mong sabihin?" Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman ang ibig sabihin niya doon. Ganito kasi ang ugali ni Luke eh. Gustong-gusto niyang nakikitang sabik ako sa isang bagay. Nananadya talaga siya.


"Oo na nga."


"Magkaibigan na tayo??" Nagugulat na tanong ko na ikinatango niya kaya napatalon agad ako. "Yes!!! Nice!"


"Ang weird mo. Wala naman ng bago doon. You have sooo many friends." Nakangiwing sabi niya habang pinapanood ako na matuwa dahil sa sinabi niyang magkaibigan na kami. Eh sa natutuwa ako! Ang laki kasi ng pader ni Luke na iniharang niya sa sarili niya and knowing na he's trying to open it now? At sa akin pa???? Hindi ko maiwasang hindi matuwa. At least he is now coming out of his shell. Ganon naman talaga yung gusto kong mangyari because from the moment I saw him, alam ko na sa sarili ko na he is having a hard time. Hindi naman kasi mahirap basahin ang nasa isipan niya.


"Hoy! Huwag mong bawiin ha!"


"Hindi ko babawiin. I'm not that kind of a person. Pero sa isang kondisyon," Seryoso niyang sabi at ibinaba ang tumbler niya. Hinintay ko naman siyang sundan ang sinasabi niya dahil papayag naman ako kahit ano ang gusto niya. Sa mga oras na ito talaga, ready akong sumugal sa kaniya. "Huwag ka ng sasali kapag nasa gulo ako. Huwag ka ng magsasalita o makialam man lang. Hayaan mo nalang ako."


"Ayan ang hindi ko magagawa!" Tanggol ko kaagad sa sarili ko na ikinakunot ng noo niya. Halatang hindi natuwa sa isinagot ko. "Kung mangyayari ulit yung nangyari sa cafeteria, gagawin ko pa rin yung ginawa ko. You need my help, Luke. I know you need me."


"Pero hindi kasama doon na masaktan ka." Parang medyo tumigil ang mundo ko doon. Bumilis din ang tibok ng puso ko.


"H-hindi ako nasaktan. Bago naman ako nakialam, alam kong hindi ako sasaktan ni France. At isa pa... dumating naman si Allen, hindi ba? Ang dami kayang tumulong sa atin," Proud na sabi ko na ikinairap niya agad. "Gusto talaga kitang tulungan sa lahat. Pakiramdam ko kasi hindi na biro ang mga naranasan mo o nararanasan mo." Pag-amin ko na ikinatahimik niya. Halata naman kasi kay Luke na may pinoproblema siya. Hindi ko alam kung sa sarili niya ba, kay Ylona, o sa mga taong nasa paligid niya or baka naman sa pamilya niya. Ayokong magtanong. Hihintayin ko nalang din siguro na magsabi siya sa akin.


Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at agad na napailing kaya napakunot na ang noo ko. "Actually, narinig ko ngang sinabi mo yan kanina."


"Huh??? May sinabi ba akong ganiy——nakinig ka sa usapan namin nila Jasmine??????" Nagugulat na tanong ko nang marealize ang sinasabi niya. Kung ano-ano pa naman ang sinabi ko kila Jasmine!!! Nakakahiya!! "Nauna ka pa sa akin dito??"


"Oo."


"Tingnan mo! Nakikinig ka nga rin sa usapan ng may usapan eh!" Tama naman, hindi ba?? Hindi ba't ganon din ang ginawa niya?


"Magagalit ka ba sa akin?" Natural na tanong niya na ikinatahimik ko.


Hindi. Hindi ko kayang magalit sa kaniya sa hindi ko rin malaman na dahilan.


Captivated By His Enchanted EyesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt