Chapter 30

1.8K 33 0
                                    

Aria's POV


"Anong sasama? Bakit sasama? Ayoko nga." Bulong agad ni Jasmine nang harangin kami ni Ylona at ng mga kaibigan niya matapos ang training namin kinabukasan. "Huwag na. Alis natin ito eh. Hindi na nga natin nakasama si Luke kahapon kasi nag-inarte siya, hindi ba?" Tama kayo ng narinig. After kasi ng practice namin kahapon, nahilo bigla si Ylona. Since si Luke ang may alam kung saan siya nakatira ngayon, nagpahatid siya kay Luke. Wala na rin naman kaming nagawa dahil si Coach Wen na ang nagsabi.


"Hayaan niyo na," Natural na sabi ko na nakakuha ng atensyon nilang lahat. "Saan ba tayo pupunta? Kakain lang naman tayo. Mabilis lang yun." Nauna na akong naglakad dala-dala ang bag ko kaya humabol agad sa akin sila Sophia. Naiwanan na naman si Luke sa likuran dahil pumulupot agad sa kaniya si Ylona.


Hindi na siya humiwalay kay Luke.


"Ano bang trip mo Aria? Kahapon ka pa ah... nakakahalata na ako," Nakasimangot na sabi ni Sophia. "Hinintay kitang magreklamo kahapon nung inihatid ni Luke si Ylona kaso wala naman akong narinig sayo. Okay ka pa ba?"


"Nakiusap sa akin si Ylona, okay?"


"Na ano? Akala ko ba hindi ka tutulong?" Reklamo agad ni Jasmine. Si Kohen at Mav naman ay nakangiwi lang na pinapanood kami dahil wala naman sila masiyadong nasasabi sa mga ganitong issue. Palibhasa lalaki, ayaw nila mainvolve sa ganitong mga bagay.


"Hindi naman ako tumutulong ah."


"Ewan ko sayo Aria. Ang gulo-gulo mo. Bahala ka diyan." Masungit na sabi ni Jasmine at kumapit na rin sa braso ko na ikinatawa ko nalang. Alam ko naman kasi kung anong ginagawa ni Jasmine.


Ang totoo niyan, gusto kong pigilan. Pumasok talaga sa utak ko na pigilan siya kaso natakot ako na baka itanong niya sa akin kung anong meron sa amin ni Luke. Wala naman akong laban sa kaniya. Ang alam ng lahat, siya pa rin ang gusto ni Luke.


Anong laban ko doon?


Kulang ng isang upuan nang makasakay kami sa bus. Hinila naman agad ni Ylona si Luke sa isang dalawahang upuan sa bandang harapan kaya medyo malayo sila sa amin. Naiwan pang nakatayo yung isang babae na kaibigan ni Ylona. Dalawang kaibigan kasi ang kasama niya na nakakahalata ng ayaw sa kanila ni Jasmine at Sophia. Talaga naman, oo.


"Dito ka na," Humawak agad ako sa hawakan ng bus dahil halatang isang tigil nalang nung bus ay matutumba na ang isang ito. Hindi din naman kasi makatayo si Mav at Kohen dahil kapit-kapit na sila nung dalawa. Binalaan ng huwag tumayo.


"Ha?" Nagtatakang tanong nung kaibigan ni Ylona.

"Umupo ka na. Ako na diyan." Inalalayan ko pa siyang umupo doon sa upuan na ikinamaang agad nila Jasmine na nakatingin sa akin.


"Hoy! Si Darna ka ba ha????" Hindi ko nalang inintindi si Jasmine sa sinabi niya. Mang-aaway na naman siya eh ang payapa na nga ng mga buhay namin. Tsaka hindi lang naman ako ang nakatayo. May mga galing ng opisina na nakatayo.


Biglang tumigil ang bus kaya napahawak agad ako sa hawakan. Napangiwi pa ako nang maramdaman na naman ang kirot sa paa ko sa biglaang pagtigil na yun.


"Oh??? Hi, Allen!!" sabay-sabay kaming napatingin kay Allen na nagulat pa ng makita kami. "Saan ka galing?" Tanong ni Sophia sa kaniya. Siya kasi ang unang nakapansin kay Allen na dumiretso agad sa tabi ko kaya napatingin na sa amin si Luke at Ylona. Napakunot pa ang noo ni Luke nang makita na nakatayo ako pero hindi ko na siya pinansin.


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now